Lalaking inakalang nakaabang sa isang community pantry, nag-abot ng ₱46 niyang tulong
- Labis na hinangaan si Manong Romeo dahil sa pagbibigay tulong niya sa isang community pantry
- Napagkamalan siyang nag-aabang sa pagkain sa community pantry sa Tandang Sora subalit ito'y sarado na
- Laking gulat na lamang nila nang iniabot ng lalaki ang kinita niyang Php46 sa pagbebenta sa pangangalakal
- At sa kanyang pagbabalik, siya naman ang nabiyayaan lalo na at mayroon nang nagpaabot ng tulong sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naantig ang puso sa pagtulong na nagawa ni "Manong Romeo" sa isang community pantry sa Tandang Sora, Quezon City. Tila sinunod niya kasi ang mga paalala na nakasulat sa community pantry na "magbigay ayon sa kakayahan."
Nalaman ng KAMI na napagkamalan pa umanong nag-aabang ng pagkain sa community pantry si Manong Romeo lalo na at nang siya ay pumunta, ito ay sarado na.
Kwento pa ng Integrated Center for the Young (ICY) na siyang organizer ng pantry sa lugar, laking gulat nila nang malaman ang totoong pakay ni Manong Romeo.
"Imagine our surprise, when instead, he handed Kuya Dodoy P46 pesos in small bills and some loose change."
Nangangalakal lamang ng mga bakal ang lalaki at ang kinita niya ng araw na iyon ay napagdesisyunan niyang ibahagi bilang tulong para sa community pantry ng kanilang lugar.
Kaya naman bilang pasasalamat, binigyan ng ICY si Manong Romeo ng "bag of goods" at tulong pinansyal mula sa isang anonymous donor.
Maraming netizens ang na-inspire sa kabutihang ipinamalas ni Manong Romeo.
Katunayan, umani na ng mahigit 17,000 na positibong reaksyon ang naturang post tungkol sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Sila iyong inakala mo na pipila sa community pantry pero sila pa yung may puso na magbigay"
"He probably knows the feeling of having nothing kaya nagbigay siya, mabuhay po kayo"
"Naluha ako rito, looking at the picture akala ko kung ano, pero tumulong pala siya"
"Nagbigay siya ng ayon sa kanyang kakayanan, saludo po kami sa inyo"
"Marami nang natulungan ang Php46 niya, marami rin siyang na-inspire at maraming puso ang nagising sa katotohanan na lahat tayo ay may kapasidad na tumulong"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.
Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh