Tindera ng merienda na ipinalit ang inilalako sa nakuhang pagkain sa pantry, hinangaan

Tindera ng merienda na ipinalit ang inilalako sa nakuhang pagkain sa pantry, hinangaan

- Marami ang humanga sa isang lola na naglalako ng bitso-bitso dahil sa kabutihang ipinakita niya sa kapwa

- Matapos kasi niyang kumuha ng pagkain sa kanilang community pantry, ipinalit niya ang halos lahat ng kanyang paninda

- Pinigilan man siya ng bantay sa pantry ngunit ipinilit pa rin ng matanda para makatulong umano sa iba

- Umabot sa 263,000 na positibong reaksyon ang viral post na umantig sa puso ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kahanga-hangang ginawa ng isang bitso-bitso vendor na hindi nagdalawang isip na magbahagi ng kung anuman ang mayroon siya.

Ayon sa post ng netizen na si Lors Langoey MI, nagtungo ang lola sa community pantry sa kanilang lugar upang makakuha ng pagkain.

Nalaman ng KAMI na matapos umano nitong kumuha ng isang supot ng bigas, tatlong itlog, isang apple, isang noodles, ilang tuyong isda, at ilang gulay ay bigla na lamang nitong inilabas ang kanyang paninda.

Read also

Jobert Austria, emosyonal na inalala ang buhay noong nalulong sa bawal na gamot

Tindera ng merienda na ipinalit ang inilalako sa nakuhang pagkain sa pantry, hinangaan
Photo from Maguindanaon FOODS
Source: Facebook

Pinigilan pa umano siya ng bantay ng pantry, ngunit ipinilit pa rin ito ng matanda na nais na makatulong sa iba.

Aniya, kaya siya naglalako ng merienda ay para may maipambili ng kanilang makakain.

Ngunit dahil sa nakakuha siya ng libreng bigas at iba pang pagkain, hindi na niya kailangang maglako pa kaya naman naisipan niya itong ibahagi sa iba pang kumakalam din ang sikmura.

Maging ang mga netizens ay talagang humanga sa busilak na puso ng matanda na magsilbing ehemplo sa iba lalo na sa panahon ngayong marami talaga ang naghihikahos dahil sa pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"'Yung tumulo na lang ang luha mo sa ginawa ng lola na ito, saludo po ako sa inyo"
"Ito ang masarap tulungan, iyong mga taong nagsisikap at kapag nakgkaroon ng biyaya, magbabahagi pa ng kung anong meron sila"

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

"God bless you lola, sobrang nakakataba po ng puso ang ginawa niyo"
"Nakaka-inspire ang lola na ito sa maraming aspeto. Una sa pagiging matulungin. Ikalawa sa kasipagan niya sa paglalako at higit sa lahat ang pagkuha niya ng sapat lamang para magkaroon din ang iba"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica