Jobert Austria, emosyonal na inalala ang buhay noong nalulong sa bawal na gamot

Jobert Austria, emosyonal na inalala ang buhay noong nalulong sa bawal na gamot

- Marami ang na-inspire sa pagbabahagi ni Jobert Austria ng kwento ng kanyang buhay sa pamamagitan ng online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks

- Muling binalikan ni Jobert ang mga panahon na walang-wala siya at walang direksiyon ang kanyang buhay

- Matapos naman mapasok sa showbiz, nagkaroon siya ng kita ngunit lumala ang pagkalulong niya sa bawal na gamot

- Ibinahagi niya rin kung paanong nagbago ang kanyang buhay sa kabila ng matinding dagok na dumaan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinagkaila ni Jobert Austria na nalulong siya sa pinagbabawal na gamot. Sa edad na 19 ay naging ama siya ngunit hindi niya umano alam kung paano gabayan ang anak dahil parehas lang silang walang direksiyon ang buhay.

Ibinahagi niyang naranasan pa niyang tumira sa isang lumang jeep sa loob ng dalawang taon bago pa siya makapasok sa mundo ng showbiz.

Read also

Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens

Jobert Austria, emosyonal na binalikan ang buhay noong nalulong siya sa bawal na gamot
Jobert Austria (@kuyajobertt)
Source: Instagram

Kwento pa niya, minura pa niya ang Diyos nang humagupit ang Undoy at maging ang kanyang tinitirhang jeep ay naapektuhan ng malubha.

Hanggang sa nakilala siya sa YouTube at napasok na siya sa pagpapatawa sa telebisyon. Gayunpaman, ito ay naging daan pa sa lalo niyang pagkalugmok sa droga.

Sa katunayan ay naranasan niya umanong hindi natutulog ng isang linggo. Dito na rin naganap ang napabalitang pagtangka nitong pagtalon sa isang hotel na kanyang tinutuluyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, matapos ang isang pangyayari na nagbukas ng pagkilala niya sa Diyos, nag-iba ng tuluyan ang kanyang pananaw sa buhay.

Sa gitna ng pandemya ay lalong umanong lumalim ang kanyang relasyon sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pagbabasa ng Bibliya.

Panuorin ang buong panayam dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Unang sumikat si Jobert Austria dahil sa mga nakakatawang mga video niya na in-upload ng kanyang kaibigan sa YouTube. Kinalaunan, ito ang nagbukas para mas makilala siya hanggang sa napasok na siya sa mundo ng showbiz. Ilan sa mga nagawa niyang mga palabas sa telebisyon ay Toda Max (2011), Ang probinsyano (2015) at Sa ngalan ng ama, ina at mga anak (2014).

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang isa sa naging bahagi ng FPJ's Ang Probinsiyano, naibahagi ni Jobert ang umano'y naging ugali ni Mystica nang minsa'y mabigyan ito ng pagkakataong makasama sa nasabing serye.

Hindi naman ito pinalampas ni Mystica at sinagot din ang mga pahayag ni Jobert.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate