Community pantry sa Bulacan, nagmistulang "mini-market" sa dami ng ibinabahagi

Community pantry sa Bulacan, nagmistulang "mini-market" sa dami ng ibinabahagi

- Umaapaw sa dami ng mga pagkain ang community pantry ng barangay Bantog sa Bulacan

- Ang nakamamangha pa rito, pawang mga gulay, prutas at maging isda ay ibinabahagi rito

- Inisyatibo ito ng kanilang barangay captain at pamilya nitong nagtayo ng pantry

- Matatandaang nagsimula lamang ito sa Maginhawa, Quezon City hanggang sa naging inspirasyon na ito upang pamarisan ng iba't ibang lugar sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mababakas ang kasiyahan ng mga residente ng Barangay Bantog sa San Miguel, Bulacan dahil sa community pantry na inilagay sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na mismong ang kanilang Barangay Chairman na si Bong Maon at kanyang pamilya ang naglagay ng naturang pantry.

Nagmistulang "mini-market" ang lugar sa dami ng mga gulay at prutas na para sa mga residente ng Bantog lalo na iyong labis na nangangailangan.

Read also

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

Community pantry sa Bulacan, nagmistulang "mini-market" sa dami ng ibinabahagi
Community pantry (Photo from Barangay Bantog San Miguel Bulacan)
Source: Facebook

Mayroon ding sariwang isda sa kanilang pantry kaya naman masusustansiyang pagkain talaga makakain ng sinumang mabibiyaaan ng mga libreng pagkain.

Kumpleto na rin ang mga pangrekado na maaring maluto bilang ulam. Mapapansin ding magandang klaseng mga gulay at prutas ang ipinamamahagi sa kanilang residente.

Maging ang mga netizens ang humanga sa inisyatibo na ito ng kapitan ng Barangay Bantog na malaki ang naitutulong sa kanilang mga kababayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Wow, sana all! malaking bagay po iyan lalo na sa mga nawalan ng trabaho"
"Masusustansiyang pagkain pa ang ipinamimigay nila. Good Job Kap!"
"Napakaswerte po ng mga kabrangay niyo po! sariwang isda at mga gulay na pwede nilang ulamin ang kanilang makukuha ng libre"
"Tularan po sana kayo ng ibang mga ama ng barangay! Saludo po kami sa inyo"

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

"Mukhang fresh pa talaga yung mga gulay pati isda meron din. Swerte ng mga taga-Bantog"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica