Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa

- Buong pagpapakumbabang inamin ni Jayzam Manabat ang tungkol sa pagkakamaling kanyang nagawa

- Ayon sa kanya, matapos ang paglabas ng alegasyon ng isang fan tungkol sa kanya, sinubukan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili at gusto niyang magbago

- Dahil dito ay hindi niya na kinayang itago kay Camille Trinidad ang lahat ng kanyang nagawa kahit na nakaraan na ang mga iyon

- Humingi din siya ng dispensa sa mga lalaking umano'y nadadamay sa kanilang isyu dahil pinaghihinalaan at kinikwestiyon ng kanilang mga karelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang pagharap ni Camille Trinidad sa reklamo sa kanila sa programa ni Raffy Tulfo, buong pagpapakumbabang inako ni Jayzam Manabat ang kanyang mga nagawang mali.

Hindi niya ipinagkailang siya ang pinaka nagkasala kaya sila napunta sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Jayzam Manabat, humingi ng dispensa sa mga lalaking nadamay sa kanyang nagawa
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW, masayang napagbati ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa araw ng kanyang kasal

Sa kanyang mensahe, nagpayo si Jayzam sa mga kagaya niyang lalaking may karelasyon. Humingi siya ng tawad sa mga ito lalo na sa mga nadadamay dahil pinaghihinalaan na rin sila ng kanilang relasyon.

Aniya, base sa kanyang naranasan, walang magandang maidudulot ang lokohin ang taong nagmamahal nang totoo.

“Dahil nasubukan kong magloko, walang ibang magiging kapalit ang panloloko nyo sa taong nagmamahal sa inyo kundi kamalasan, kunsensya gabi-gabi kaya huwag nyo nang subukan."

Maging si Idol Raffy ay ramdam umano ang sinseridad kay Jayzam habang humihingi ito ng tawad.

Gagawin niya rin umano ang lahat para muling makuha ang nasirang tiwala ni Camille sa kanya kahit abutin pa ng matagal na panahon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Read also

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel