Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

- Matapos mag-viral ang isyu ni Jayzam Manabat at Camille Trinidad, marami sa mga social media celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta lalo na kay Camille

- Sa isang post ni Camille tungkol sa umano'y mga babaeng nadawit sa umano'y panloloko sa kanya ni Jayzam, maging si Jelai Andres ay napabahagi ng kanyang opinyon

- Ani Jelai, nagpapasalamat siya sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa pakikipag-chat ng asawa niya sa mga ito

- Matatandaang kamakailan lang din lumabas ang isyu tungkol kay Jelai at Jon Gutierrez tungkol sa umano'y pangangaliwa ni Jon sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos nagsilabasan ang mga screenshot ng umano'y patunay ng pakikipag-chat ni Jayzam Manabat sa ibang babae, hindi napigilang maglabas ng saloobin si Camille Trinidad.

Sa isang post niya kung saan nagbitiw siya ng mga pangalan ng babaeng sangkot, ilan sa mga social media personalties ang nagbahagi ng kanilang suporta para kay Camille.

Read also

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bilang nakaranas din ng hiwalayan dahil sa halos kaparehas na dahilan, ibinahagi ni Jelai na hindi siya nagpo-post ng mga pangalan ng mga babae at kusa umanong naglalabasan ang mga ito dahil na rin sa mga netizen.

Bagkus, nagpapasalamat umano siya sa mga babaeng nagsumbong sa kanya.

Hi bhebhe. Basta ako hindi ako nag popost ng mga babae kusa lang nag lalabasan from netizens may iba din taong nag live bout dun sumagot lang ako at thankful din naman ako samga girls n nagsusumbong and I'm not a sweet cupcake anymore. I'm now a beatiful monster payt me haha
Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa
Jelai Andres's comment on Camille Trinidad's post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel