OFW, masayang napagbati ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa araw ng kanyang kasal
- Ibinahagi ng isang OFW ang matitinding pagsubok na kanyang napagdaanan sa buhay
- Isa na rito ang pagkakawatak-watak ng kanyang pamilya at talagang namuo ang galita maging sa kanilang ina
- Kaya naman walang pagsidlan ng kaligayahan ang OFW nang siya mismo ang makagawa ng paraan para mapag-ayos ang pamilya sa araw ng kanyang kasal
- Bukod pa rito, nakapagpundar na rin siya ng ilang ari-arian habang patuloy na nasusuportahan ang kanyang ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang overseas Filipino worker ang buong tapang na ibinahagi ang kwento ng kanyang buhay bago pa man siya mangibang-bansa.
Nalaman ng KAMI na hindi lamang ang magandang kinabukasan ang dahilan ni Richelle Solano Ceata ng kanyang pag-a-abroad. Aminado siyang magulo ang kanyang pamilya kaya nang makarating sa wastong edad, pinili na lamang niyang lumayo para maghanapbuhay.
Lumaki si Richelle sa kanyang lolo at lola dahil sa pagkakawatak ng kanilang pamilya. Ngunit hindi nagsara ang pinto ng pag-asa kay Richelle na nakagawa ng paraan para maayos ang naging sigalot nilang mag-anak.
Bukod dito, hindi rin sinukuan ni Richelle ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kaya naman sa loob ng anim na taon, unti-unti na siyang napagpundar at nakatutulong pa rin siya sa kanyang ama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi sa KAMI:
"Ako po si Richelle Solano Ceata, anim na taon na akong domestic helper at kasalukuyang nasa Malasyia.
Napakaganda po ng naidulot sakin/samin ng pagta-trabaho ko po dito kasi broken family po kami. Napunta kaming tatlong magkakapatid sa side ng father ko. Pinalaki ng Lolo at Lola ko.
Matindi po ang galit nila sa mother ko since nung humiwalay siya sa tatay ko po.
Masaya akong napag bati-bati ko po silang lahat kahit yung mga kapatid ko na galit sa mother ko ay napatawad din nila.
Kumpleto po kaming lahat nung ikinasal ako. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa, nakapag-abroad ako na walang tulong ang pamilya ko sakin dahil nung time na yun galit silang lahat sa akin dahil nagkaroon ako ng BF na taga sa amin at di nila tanggap kasi wala daw work at sabongero daw which is true nman po. Samahan pa po na talagang mainit na dugo nila sakin dahil nakikita nila sakin ang mother ko.
Kahit pa paano po nakakapagbigay na ako sa kanila, gaya ng birthday nila, pamasko at iba pang needs nila pag kaya ko.
Kasama na ang ilang mga simpleng bagay gaya ng relo, bag, sapatos, cellphone at iba pa.
Mas lumakas loob ko at nasabi kong kaya ko pala ang pagpapatawad sa pamilya ko kahit iniwan nila ako sa ere sa time na kailangan ko sila lalo na nung nag-a-apply pa lang ako.
Naka-pundar ako ng bahay at lupa, 2 tricycle, 1 motor pero binigay ko po sa father yun, konting alahas din po.
Masasabi ko po na kailangan po talagang mag-ipon para sa sarili. Di lahat ng panahon nandito sa abroad at malakas, nakakapagod din po.
At higit sa lahat kailangan pong mag-negosyo para makasama na ang mahal sa buhay ng bawat OFW."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.
Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.
Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh