Nag-viral na sorbetero, emosyonal na ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagsusumikap

Nag-viral na sorbetero, emosyonal na ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagsusumikap

- Ibinahagi ng 68-anyos na sorbetero sa Pampanga ang kanyang nakaaantig ng puso ng kwento sa liko ng kanyang pagsisikap

- Matatandaang nag-viral ang video ng Team Kasaludo tungkol sa kanya kung saan naging bahagi siya ng isa pa lang social experiment

- Naikwento ng sorbetero na bagaman 'di siya nakapag-asawa ay mayroon siyang anim na pamangkin na inaalagaan

- Iyon ang dahilan kung bakit kahit anong pagbabawal sa kanya na maglako dahil sa pandemya ay hindi niya magawang tumigil.

- Dahil din sa viral video, marami ang nagpaabot ng tulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taong 2020 nang mag-viral ang video ng Team Kasaludo tungkol kay Amado Santos, isang 68-anyos na ice cream vendor sa Lubao, Pampanga.

Matatandaang hindi nagdalawang isip si Tatay Amado na tanggapin ang Php3.00 na pera ng Team Kasaludo na si Jhong Diaz kahit na Php20.00 dapat ang halaga ng ice cream.

Read also

Pasahero, nais matulungan ang mag-amang nakasakay sa jeep

Hindi alam ni Tatay Amado, isa pala itong social experiment ng vlogger na nagbigay sa kanya ng isang sako ng bigas at mga grocery items.

Nag-viral na sorbetero, emosyonal na ibinahagi ang kwento ng kanyang pagsusumikap
Amado Santos, ice cream vendor (Photo from Team Kasaludo)
Source: Facebook

Talagang naluha noon si Tatay Amado dahil sa tumal ng kanyang kita at dahil wala halos tao sa kalsada na bumibili sa kanya, hindi niya akalain na makatatanggap siya ng biyaya.

Sa panayam sa kanya ng On the Record ng GMA News, naikwento ng sobetero ang rason kung bakit ganoon na lamang ang pagsusumikap niya sa buhay. Sa edad niya kasi, kasama dapat siya sa mga hindi dapat lumabas dala ng banta ng COVID-19.

Katunayan, kahit anong bawal sa kanya ng barangay, nakikiusap na lamang siya dahil siya ang inaasahan ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nalaman ng KAMI na kahit 'di na nakapag-asawa si Tatay Amado ay mayroon naman itong anim na pamangkin na binubuhay.

Read also

Viral na hardinero na dumidiskarte dahil nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong

Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pandemya ay mas lalo pa siyang nagsikap na maglako kahit mababa na lamang ang kanyang naiuuwi.

Subalit sa kabila ng hirap ng buhay na dinaranas, naisip pa rin niyang tumulong sa kapwa at ito nga ay ang ginawa niya kay Jhong ng Team Kasaludo na binigyan na niya halos ng paninda niyang ice cream sa gitna ng isang mainit na hapon.

Dahil din naman sa kabutihang ito, nakatanggap ng maraming tulong si Tatay Amado mula sa mga nakapanood ng video ng Team Kasaludo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami talaga sa ating mga kababayan ang mas lalong naghirp ang buhay dala ng krisis ng pandemya.

Subalit, nakatutuwang isipin na mayroong tulad ni Tatay Amado na marunong pa ring magbahagi ng kung anong meron siya kahit na siya mismo ay kinukulang.

Read also

Lola sa viral video, ipinagtanggol at nag-aalala pa rin sa apong naaktuhang nanakit sa kanya

Hindi nalalayo rito ang kwento ni Tatay Joselito, ang kutsinta vendor na nagmalasakit naman kay Ivana Alawi nang magpanggap siyang pulubi. Dahil sa kanyang kabutihan, nabigyan siyang ng aktres ng umaapaaw na mga biyaya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica