Pasahero, nais matulungan ang mag-amang nakasakay sa jeep
- Viral ang post tungkol sa mag-ama na patungong Philippine Red Cross sa Boni Avenue para makahingi ng tulong
- Makikitang karga ng ama ang anak na may karamdaman at matiyaga silang sumakay ng jeep
- Mula pa umano silang Bulacan, at dahil wala pa raw pondo ang Red Cross sa Quezon City, tumuloy na rin sila sa Boni
- Bagaman at napakwento na ang ama sa iba pang pasahero, hindi naman daw ito nanghingi ng kahit na ano
- Pero ang mga pasahero na naantig ang puso sa kwento ng mapagmahal na ama ay kusang nag-abot ng tulong at ibinahagi ang post upang mas makalikom pa ng marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang viral post ni Cherryl Calsis tungkol sa mag-amang sina Rolando at Jewelyn Niangar.
Nalaman ng KAMI na nakasakay ni Cherryl sa jeep patungong Philippine Red Cross sa Boni Avenue. ang mag-ama.
Nagtanong kasi si Rolando sa driver kung malapit na sila sa kanilang destinasyon. Doon inusisa na ng kumare ni Cherryl si Rolando dahil tila hindi ito sanay sa pasikot-sikot sa Mandaluyong.
Doon nalaman nilang mula pa sa Bulacan sina Rolando at ang kanyang anak na 19 taong gulang na pala.
Dala ng karamdaman kaya naman karga pa rin niya ito at naghahanap siya ng makatutulong sa kanila sa pambili nila ng gamot.
May mga kapatid pa si Jewelyn na nag-aaral, subalit iniwan na pala sila ng ina nito na mayroon na ring ibang pamilya.
Ngunit matiyaga pa rin ang ama na alagaan ang mga anak lalo na si Jewelyn na sinisikap niyang maipagamot.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Aminadong naluha ang mga pasaherong kasakay ng mag-ama ayon kay Cherryl.
At kahit marami itong kwento, hindi ito nanghingi ng anuman sa kanila ngunit sila na ang kusang loob na nag-abot ng kanilang tulong na bukal sa kanilang kalooban.
Subalit dahil alam nina Cherryl na hindi pa ito sasapat, kaya naman naisipan niyang ibahagi ang kwento ng mag-ama upang makalikom na rin ng tulong para sa mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sadyang nakakataba ng puso ang mga kwentong kapupulutan ng aral tulad ng pagtulong na nagawa nina Cherryl sa mag-amang sina Rolando at Jewelyn.
Kahit marami sa atin ang nakararamdam ng hirap na dulot ng pandemya, namumutawi pa rin ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan.
Magsilbing inspirasyon ito sa marami lalo na ngayon na napakahalaga ng pagmamalasakit at pagkalinga sa isa't isa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh