Sorbetero, naluha sa tulong ng lalaking nagpanggap na kulang ang pera

Sorbetero, naluha sa tulong ng lalaking nagpanggap na kulang ang pera

- Viral ang video ng isang ice cream vendor na sinubok ng isang vlogger

- Nagkunwari ang vlogger na kulang ang pera ngunit tinanggap pa rin ito ng sorbetero at ibinigay sa kanya ang sorbetes

- Nagmalasakit din ang sorbetero sa vlogger na nagkunwaring galing pa sa malayong lugar at sinabihan niyang magpalamig at magpahinga muna

- Nagulat ang ice cream vendor nang bigla siyang balikan ng vlogger at ibinigay nito ang kanyang mga surpresa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sorbeterong nagbigay sa customer na kulang ang pambayad, naluha nang matulungan

Amado Santos, ice cream vendor (Screengrab from Team Kasaludo's video on Facebook)
Source: Facebook

Naluha ang isang ice cream vendor sa Pampanga sa di inaasahang tulong na matatanggap mula sa isang nagmalasakit na vlogger.

Nalaman ng KAMI na bahagi ang rider/ vlogger ng Team Kasaludo, isang grupo na tumutulong sa mga tulad ng ice cream vendor na determinado pa ring magtrabaho sa kabila ng hirap ng buhay.

Sa video ng Team Kasaludo na ibinahagi rin ng Viral na 'To Facebook page, sinubok ng vlogger ang sorbetro na si Amado Santos.

59-anyos na vlogger, nagpasalamat sa netizen na naging daan ng pagdami ng kanyang subscribers

Nagkunwari ang taga-Team Kasaludo na tres na lamang ang pera niya ngunit nais pa rin niyang bumili ng serbet na lako ni Tatay Amado.

Kahit kulang ang pera, binigay pa rin ng sorbetero ang binili ng vlogger at tinanggap ang pera nito kahit kulang.

Sinabi niyang ayos lamang daw ito at magkikita pa naman daw muli sila ng nagpanggap na customer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dito, muling nagkunwari ang vlogger na mula siya sa malayo kaya naman sinabihan pa siya ng sorbetero na magpahinga muna at magpalamig habang kinakain ang serbet na kanyang ibinigay.

Pinalayo muna ng vlogger si Tatay Amado bago niya ito muling sinundan upang ibigay sa kanya ang surpresa ng Team Kasaludo.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Tatay Amado dahil napakahirap daw talaga ng buhay ngayong humaharap tayo sa pandemya.

Alam niyang marami ang nawalan ng hanapbuhay kaya naman hirap din siyang makabenta.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Kaya naman ang isang sakong bigas at mga grocery na ibinigay ng Team Kasaludo ay malaking tulong na sa kanilang pamilya.

67-anyos na si Tatay Amado na may anim na mga anak. Sa hirap ng sitwasyon, champorado na lamang daw ang madalas nilang kainin kaya naman malaking bagay na makatanggap siya ng mga biyayang hindi niya inaasahan.

Labis siyang nagpasalamat sa Team Kasaludo at masayang umuwi dala ang mga biyayang natanggap na kanya naman ibabahagi sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ng nasabi ni Tatay Amado, mas lalong naging mahirap ang kalagayan ng bawat isa ngayon dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Subalit, ito rin ang panahon na kung saan naipapamalas natin ang pagtutulungan at pagmamalasakit lalong-lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel