Ryan Bang, handang ipagpalit ang lahat magkabalikan lang ang mga magulang

Ryan Bang, handang ipagpalit ang lahat magkabalikan lang ang mga magulang

- Naikwento ni Ryan Bang ang kanyang saloobin tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya

- Aniya, nag-iisang anak lamang siya ngunit hiwalay ang kanyang mga magulang

- Handa umano siyang i-give up ang lahat ng meron siya magbalikan lang ang kanyang mga magulang

- Parehas din umanong single ang kanyang mga magulang kaya umaasa pa siyang muli silang mabubuo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang mukbang vlog, naibahagi ni Ryan Bang ang kanyang saloobin bilang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang na nagkahiwalay noong bata pa lamang siya.

Naibahagi niya ito nang marinig ang kwento ng staff ng kanyang food business.

Ryan Bang, handang ipagpalit ang lahat magkabalikan lang ang mga magulang
Screenshot from Ryan Bang's YouTube video
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Ryan, handa umano siyang i-give up ang kanyang naipundar at maging ang kanyang career magkabalikan lang ang kanyang mga magulang.

Read also

OFW, ibinahagi ang diskarte sa buhay sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya

Kapag umuuwi umano siya sa Korea, ang kanyang hinihiling ay makasama ang kanyang mommy at daddy kahit sa pagkain lang.

Marami naman ang naantig sa ginawa ni Ryan na pag sponsor para sa magiging bakasyon ng kanyang staff at ng asawa nito at anak nila para makapag-ayos na umano sila para sa kapakanan ng anak nila dahil alam niya umano ang pakiramdam ng anak na hiwalay ang mga magulang.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens na nakapanuod ng vlog ni Ryan:

Ryan Bang should try this kind of segment, he can actually become a bridge for other people. I feel the sincerity of Ryan in every words he say esp. if it's about family.
Naiyak ako sa part na kaya ee sacrifice ni ryan ang Lahat para sa mommy at daddy niya.
Aww, Gobless u more sir Ryan, naramdaman nya lumaki ng hiwalay ang parentd kaya nararamdaman din nya mararamdaman ng baby nila paglaki, nice sir ryan

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang house raid na ginawa ni Vice Ganda sa apartment ni Ryan Bang dahil sa mga nakita nitong mga gamit na pambabae sa condo ng TV host.

Gayunpaman, nauna nang pinaalam ni Ryan na mayroon na siyang kasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel