Vice Ganda, nawindang sa ginawang house raid sa condo ni Ryan Bang

Vice Ganda, nawindang sa ginawang house raid sa condo ni Ryan Bang

- Binigla ni Vice Ganda si Ryan Bang nang pumunta siya sa condo nito nang walang pasabi

- Ang condo unit na kasalukuyan niyang tinitirhan ang naging tahanan niya sa loob ng 10 taon

- Gayunpaman, nakatakdang lumipat si Ryan sa bago niyang nabiling condo na sakop ang isang buong palapag

- Masaya ang Tv host na nagbunga ang kanyang pagsusumikap at nakapagpundar na siya ng sarili niyang condo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maikakaila ang pagiging malapit nina Ryan Bang at Vice Ganda. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na hindi ikinabigla ni Ryan na pumunta si Vice sa condo unit niya upang i-house raid ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi ni Vice, iyon na ang bahay ni Ryan sa loob ng sampung taon. Noong hindi pa umano nakalipat at nakapundar ng sariling bahay si Vice, malapit lang din doon ang kanyang tinitirhan.

Yeng Constantino, napabilib sa katatagan ng kaibigang si Angeline Quinto

Pambubuking pa ni Ryan, maliit lamang ang bahay ni Vice Ganda noon ngunit pumupunta siya doon upang makikain.

Vice Ganda, nawindang sa ginawang house raid sa condo ni Ryan Bang

Vice Ganda (Photo from flickr.com/photos/saraabend/15431245156)
Source: UGC

Hindi din maitago ni Vice na proud siya sa narating ni Ryan. Nakabili na umano ito ng sariling niyang condo at buong palapag umano ang nabili niya.

Marami naman ang naintriga sa mga bagay na natagpuan sa closet ni Ryan Bang. Mayroon doon mga gamit na pambabae. Kabilang sa mga nakita doon ay sanitary napkin at damit na pambabae.

May mga napapaisip kung bakit may ganoon sa condo ni Ryan ngunit hindi naging lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong kasintahan si Ryan na kamakailan lang ay isinama niya sa kanyang music video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa siya sa host ng noontime show na It's Showtime.

Bianca Gonzalez, nagbigay ng payo sa kagaya niyang may acne problems

Matapos tuluyang maibasura ang prangkisa ng ABS-CBN, muling nakabalik sa pag-ere ang It's Showtime sa pamamagitan ng ZOE-11. Naging usap-usapan ang pagbanggit ni Vice sa katapat nitong noontime show sa GMA-7, ang Eat Bulaga!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel