DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na

DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na

- Nagpahayag na ng saloobin ang DLSU badminton varsity player na si Arianne Rivera laban sa mga bintang sa kanya

- Sinabi ni Ice Lim, isang Chinese businessman, na siya'y nabangkarote dahil kay Arianne

- Sabi naman ni Arianne ay hindi alam ng mga tao ang kababuyang ginawa ni Ice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sobrang galit ni Monica Arianne Rivera, isang DLSU varsity badminton player kay Ice Lim, dating nobyo, sa mga inihayag ni Ice sa publiko.

Naiulat sa KAMI na si Ice ay dumulog sa Raffy Tulfo in Action upang hingin ang tulong nito para mabawi ang mga binigay na mga mamahaling bagay kay Arianne.

Sila ay magkasintahan at sa sobrang dami diumano ng ibinigay niya dito (kotse, alahas, pera, pati pampa-renovate ng bahay ng magulang ng babae) kaya nabangkarote na daw siya.

DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na

DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na (photo; fb)

Kumalat ang kuwento ni Ice sa social media, sa dami ba naman ng nanonood ng programa ni Raffy Tulfo.

Dahil dito, nagsalita na rin si Arianne at isiniwalat niya na hindi raw alam ng mga tao ang kababuyang ginawa ni Ice.

DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na

DLSU badminton varsity na diumano'y nanghuthot ng milyones sa Chinese businessman nagsalita na (Photo: fb)

Sabi pa niya, kung alam lang daw ng mga tao ito, sigurado magagalit din sila dito.

Idiniin din ni Arianne na sa mga mapanghusgang tao, nawa'y mapunta na sila sa impiyerno. Sa baba makikita ang kabuuang sinabi ni Arianne.

"Sana maging masaya ka sa paninira sa buhay ko Ice. Buong pamilya ko apektado sa ginawa mong to. Pati na rin business ko. Halos ikahiya ko na yung pagmumukha ko dahil sa sinasabi sakin ng mga tao. Pero ito tatandaan mo, hindi mo makukuha yung binigay mo sakin. Hindi pa sapat yung mga gamit na binigay mo sa pamamahiya sakin at sa pamilya ko. Kung alam lang sana din sana nila yung kababuyan mo, kademonyohan mo, sure na magagalit din sila sayo. Kay God ko nalang ipapaubaya ang problemang to. At para naman sa mga taong mapanghusga, sigurado sa impyerno kayo mapupunta!"

Mayroon ding nagbigay suporta kay Ariane.

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
From one Queen to another! Pia Wurtzbach congratulates Catriona Gray for winning Miss Universe 2018

From one Queen to another! Pia Wurtzbach congratulates Catriona Gray for winning Miss Universe 2018

From one Queen to another! Pia Wurtzbach congratulates Catriona Gray for winning Miss Universe 2018
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel