Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

Customer sa fast food, 'sili' ang pambayad sa kanyang mga order

- Nag-viral ang video ng isang customer na sili ang pambayad sa inorder niyang pagkain sa fast food

- Kamakailan ay biglang taas na ng bilihin at isa na rin ang sili sa nagmahal

- Tuwang tuwa naman ang mga netizens na nakakita ng post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 3.4 million views ang video ng customer na proud pang ibayad ang mga sili para sa mga in-order niyang pagkain sa KFC.

Sa video na binahagi ng netizen na si Navarro CK, makikitang na-punch na ng crew ang order ng customer. Ngunit laking gulat nito nang ilang pirasong sili ang iniabot sa kanya bilang pambayad. Natawa na lamang ang crew sa ginawa ng customer kaya naman tumalikod na lamang ito.

Nalaman ng KAMI na isa lamang ito sa marami nang internet meme patungkol sa sili. Kamakailan kasi, nagsitaasan na ang bilihin dala ng inflation kaya naman maging ang presyo ng sili ay nagmahal na rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, tuwang tuwa naman ang mga netizens na nakapanood nang maiksing video na ito. Kaya naman umabot na ng mahigit 3 million views ang post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"next time sili ibabayad ko sayo ah. Sikat kana dapat tinanggal mo sumbrero mo pra kitang kita ka. Hahaha."
"mayaman haha"
"hahaha ilabas nyo na mga sili nyo"
"HahahAha mas mahal pa daw kasi ung sili"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel