Nag-viral na mga babae sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na sa RTIA
- Makailang beses nang nakapanayam ni Raffy Tulfo ang mga babae sa viral video sa Pasig City na humingi na ng tulong sa kanya
- Matinding pamababatikos at mayroon na ring pagbabanta sa kanila dahil lamang sa paghakot nila ng laman ng pantry ng kanilang lugar
- Binigyan na rin sila ng pagkakataon ni tulfo na magbigay ng pahayag sa publiko
- Sinigurado ni Tulfo na tutulong siya sa mga babae sakaling naisin ng mga ito na ituloy ang pagsampa ng kaso sa mga taong nagbabanta sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-public apology na ang mga tinaguriang "eco girls" ng community pantry sa Kapitolyo, Pasig City.
Sila ang mga babae sa viral video kung saan naaktuhan silang nililimas ang laman ng kanilang community pantry.
Nalaman ng KAMI na matapos nilang humingi ng dispensa sa organizer ng pantry, patuloy pa rin silang naba-bash online.
Maging ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga anak ay nadadamay sa pambabatikos ng mga tao.
Nilinaw din nilang ipinamahagi naman nila ang dinalang pagkain at hindi naman nila ito sinarili.
Subalit patuloy pa rin ang mga bashers sa panghuhusga sa kanila. Ang masaklap, nakatanggap na rin sila ng pagbabanta.
Maging si Tulfo ay dinipensahan na rin ang mga babae lalo na nang siya mismo ang makabasa ng mga komento ng netizens.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Paliwanag ni Tulfo, hindi naman nagnakaw ang mga ito at ang tanging pagkakamali nila ay ang hindi pagsunod sa pagkuha ng sapat lamang sana para sa kanilang pamilya.
Isa-isa na rin niyang pinagsalita ang mga ginang upang makapagbigay sila ng pahayag ng kanilang saloobin sa publiko.
"Pasensya na po sa kung ano yung nagawa namin, alam po namin na mali po kami."
"Sana mapatawad niyo kami at huwag niyo na po kami i-bash"
Samantala, nangako naman si Tulfo na tutulungan niya ang "eco girls" sa pagsasampa ng mga ito ng kaso sa mga patuloy na nagbabanta sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang ginang sa Quezon na umano'y nagpost lamang sa social media ng kanyang hinaing ukol sa kanyang ayuda na hindi pa natatanggap ay agad na umano siyang pinadampot sa pulis.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh