Nag-viral na mga babaeng kumuha sa community pantry sa Pasig, tutulungan na ni Raffy Tulfo
- Tutulungan na ni Raffy Tulfo ang mga babaeng nag-viral matapos makunan ng video na hinahakot umano ang laman ng community pantry sa Pasig
- Labis na panghuhusga at pamba-bash ang natatanggap ng mga babae gayundin ng kanilang pamilya
- Nilinaw din sa programa ni Tulfo na lusot ang mga nag-upload ng video ngunit hindi ang mga netizens na nambato ng masasakit na salita sa mga babae
- Inamin din ni Tulfo na isa siya sa natawa at nagkomento ng hindi maganda sa nagawa ng mga babae ngunit inaalis na niya ito matapos na humingi ng tawad ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang mga babaeng nakunan ng video na hinahakot ang laman ng community pantry sa Kapitolyo, Pasig City.
Nalaman ng KAMI na labis nang apektado maging ang mga pamilya ng mga babae dahil sa mga natatanggap nilang masasakit na salita mula sa mga netizens.
Ayon kay Maricar Adriano, nakahingi naman na sila ng dispensa sa publiko kaugnay sa kanilang nagawa. Binigyang diin niyang hindi naman nila sinarili ang mga nakuhang pagkain at ibinahagi naman nila ito sa kanilang mga kapitbahay.
Subalit matapos nilang humingi ng paumanhin, ay patuloy pa rin ang pambabato ng mga netizens ng masasakit na mga salita sa kanya maging sa kanilang pamilya.
Dahil dito, may ilan pang nagmungkahi kay Tulfo na huwag na lamang tulungan sina Maricar na umano'y "pa-victim" lamang sa nangyari.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"Nope, I will help them! Tutulungan ko sila"
"I will stand by my principle na 'pag dito may naapi, tutulungan ko.Dahil dito, nakita ko sumusobra na, tama na."
Bagaman at lusot ang nag-upload ng video sa maaring pagsasampa ng kaso nina Maricar, cyber libel naman at grave threat ang maari nilang isampang reklamo sa mga netizens na nagbabanta at nagsasabi sa kanila ng masasakit na salita.
Narito ang kabuuan ng video mula sa News5 Everywhere:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang ginang sa Quezon na umano'y nagpost lamang sa social media ng kanyang hinaing ukol sa kanyang ayuda na hindi pa natatanggap ay agad na umano siyang pinadampot sa pulis.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh