Utol ng PWD na kinuyog umano ng mga pulis dahil walang face mask, humingi ng tulong kay Tulfo

Utol ng PWD na kinuyog umano ng mga pulis dahil walang face mask, humingi ng tulong kay Tulfo

- Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang kapatid ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip na kinuyog umano ng mga pulis

- Umiikot daw kasi ito sa lugar nang walang face mask ngunit hindi ito mapilit na magsuot

- Dahil dito, ilang pulis ang pilit itong dinampot at hindi pa alam ang kalagayan ng pag-iisip ng lalaki

- Bagaman at mismong ang barangay chairman na ng lugar ang nagsasabi sa mga awtoridad na may sakit sa pag-iisip ang lalaki, 'di pa rin nila ito pinakawalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang kapatid ng lalaki sa viral video kung saan makikitang kinuyog na ito ng mga pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking dinampot ng mga pulis ay mayroon pa lang problema sa pag-iisip.

Read also

Tindera ng merienda na ipinalit ang inilalako sa nakuhang pagkain sa pantry, hinangaan

Sa panayam ni Tulfo kay Seredino Delos Santos, kapatid ng lalaki, pinagsusuot naman nila ng face mask ang kapatid subalit tinatanggal nito dahil hindi raw ito makahinga ng maayos.

Utol ng PWD na kinuyog umano ng mga pulis dahil walang face mask, humingi ng tulong kay Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kaya naman nang makita ito ng mga pulis na pagala-gala at walang face mask, nagpumiglas ito na naging dahilan umano ng pagkuyog sa kanya.

Ayon naman sa barangay chairman ng lugar, sinubukan niyang ipaliwanag sa mga awtoridad na may sakit talaga umano sa pag-iisip ang lalaki.

Humingi raw ang mga ito ng pruweba upang mapatunayan ang kalagayan ng lalaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon sa kapatid, hindi naman nila ito napagagamot gayung napapakiusapan pa naman ito at nakakausap pa rin kahit na paano ng maayos.

Gayunpaman, hindi pa rin pinakawalan ng mga pulis ang lalaki kaya naman tutulong na si Tulfo na maipatingin sa doktor ang kalagayan nito at makapaglabas ng patunay na isa nga itong person with disability.

Read also

Mga babaeng nanlimas sa community pantry sa Pasig, dumepensa na

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang ginang na dinampot umano ng pulis dahil sa post niya tungkol sa tagal ng pamamahagi ng ayuda sa kanilang lugar. Dahil wala pa umano ito sa listahan ng mabibigyan ng SAP, pinadalhan muna siya ni Tulfo ng Php10,000 upang may panggastos ang pamilya ng ginang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica