Mga babaeng nanlimas sa community pantry sa Pasig, dumepensa na
- Hindi raw intensyon ng anim na babaeng nakuhanang nanlimas ng laman ng isang community pantry na solohin ang lahat ng kanilang kinuha
- Ayon sa isa sa mga ito, nagpaalam naman umano sila bago kumuha sa community pantry
- Ibinahagi rin daw nila ang kanilang mga nakuha sa kanilang mga kapitbahay
- Sabi naman ng isa, handa silang ibalik ang mga kinuha mula rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos batikusin sa social media, nagpaliwanag na ang ilan sa mga kababaihang navideo-han na nanlimas ng laman ng isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City kamakailan.
Ayon sa mga ito, hindi raw nilang intensyong solohin ang lahat ng kanilang kinuha. Niliwanag din ng isa sa mga babae na nagpaalam pa umano sila bago kumuha, batay sa panayam sa mga ito ng 24 Oras ng GMA News.
Ibinahagi rin daw nila sa kanilang mga kapitbahay ang kanilang nakuha.
Pero ayon kay Carla Quiogue na siyang nagtayo ng naturang community pantry, may nag-message umano sa kanya at nagpakilalang kapitbahay ng mga babae at sinabing wala silang natanggap mula sa mga ito at sa halip ay sa mga kamag-anak umano ibinigay ang mga ayuda mula sa community pantry.
Humingi na ng sorry ang isa dahil sa kanilang naging asal na umani ng pangba-bash sa social media. Pero paglilinaw nito, hindi sila nagnakaw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Pasensya na po na ganoon ang asal namin pero lilinawin namin na hindi kami nagnakaw," anito.
Sagot naman ni Quiogue rito, hindi lang sila ang nagugutom.
"Hindi lang 'yung pamilya nila o hindi lang 'yung street nila 'yung mga nagugutom. Marami pa sana gustong kumuha pero iyon nga, kinuha na nila lahat," sabi nito.
Sabi naman ng isa pa sa mga babaeng nag-viral, handa silang isoli ang kanilang mga kinuha.
"Siyempre po, sir nasasaktan po kasi kakaunti lang po naman din 'yon. Kaya po namin isoli 'yon kung ganyan din ilalabas nila sa social media," anito.
Isang kapitbahay naman ang nagsabing nakatanggap ito ng apat na itlog at dalawang noodles mula sa mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, isa sa mga babae ang nagmensahe na raw ay Quiogueat nag-sorry matapos mag-viral sa social media.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh