Viral! 1 sa mga babaeng nanimot sa community pantry sa Pasig City, nag-sorry na
- Nag-sorry na raw ang isa sa mga babaeng nakuhanang nanimot sa community pantry sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City
- Ayon sa nagtatag ng pantry, nag-message na raw sa kanya ang isa mga ito matapos mag-viral ang video
- Batay sa panayam dito, sinabi nitong nais lang niyang ipaalala sa mga ito na ang ginawa ng grupo nito ay pagiging "hindi tama"
- Samantala, matapos mag-viral, dumagsa naman daw ang tulong para sa nasabing community pantry
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Humingi na raw ng paumanhin ang isa sa mga babaeng nakuhanan ng CCTV na nanimot sa community pantry sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.
Ayon sa uploader at siyang nagtatag ng nasabing community pantry na si Carla Quiogue sa panayam dito ng Unang Balita ng GMA News, nag-message raw sa kanya ang isa sa mga babae matapos mag-viral ang video sa social media.
"Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan," sabi pa ni Quiogue.
Kwento pa ni Quiogue, sinabi umano ng mga babae na ibabahagi raw ng mga babae ang mga kinuha nila sa mga kapitbahay ng mga ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Tinawag ko pa ng sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa eh. Kasi wala na talaga silang itinira eh. Actually 'yung nag-react ako, "hala! Grabe, pati 'yung dalawang tray ng itlog nawala, pati 'yung tray mismo." Sabi lang nila, "ibibigay nalang po namin 'to sa mga kapitbahay namin."
Pero ayon kay Quiogue, nag-message umano sa kanya ang mga kapitbahay ng mga babae at sinabing wala silang natanggap.
Sa naturang viral video, makikita ang paglapit ng anim na babaeng may mga dala pang ecobag sa community pantry. Ilang sandali lang ay kanya-kanya na nang kuha ang mga ito, na una nang naibalita ng KAMI.
Base sa report, dalawang oras palang naitatayo ang community pantry nang ubusin ito ng grupo.
Sa kabila nito ay ipagpapatuloy pa rin daw nila Quiogue ang community pantry dahil pagkatapos mag-viral ay marami raw ang nagpaabot ng tulong.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Hango ang ideyang ito sa viral na Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non.
Kamakailan lang, dinagsa ng tulong ang Maginhawa Community Pantry at pati na mga magsasaka sa Tarlac ay nagpaabot na rin ng tulong para rito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh