Raffy Tulfo, nasermunan ang mga nagpadampot sa nag-post at naghahanap ng ayuda

Raffy Tulfo, nasermunan ang mga nagpadampot sa nag-post at naghahanap ng ayuda

- Napagsabihan ni Raffy Tulfo ang MSWD officer sa Alabat, Quezon dahil sa pagpapadampot sa SAP beneficiary na nag-post sa social media

- Naghahanap umano ang beneficiary ng kanyang ayuda na hanggang ngayon ay di pa niya natatanggap

- Dahil dito, pinadampot na siya sa pulis para ipabura ang post at sinabihan din siyang mag-public apology

- Humingi ng tawad ang pulis gayundin ang MSWDO sa ginang dahil sa umano na ang tanging hiling lamang ay makuha ang perang inaasahan nila mula sa gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ginang na si Magelyn Collado dahil sa umano'y biglaang pagpapasundo sa kanya ng MSWD sa kanilang lugar sa Alabat, Quezon.

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil umano sa post ni Collado sa social media kung saan tinatawag niya ang pansin ng kinauukulan dahil sa magpasa-hanggang ngayon ay wala pa umano siyang natatanggap na ayuda.

Read also

Jayzam Manabat ng JaMill, inakusahan ng pang-iiwan sa ere ng 1 pang designer

Nang makita ni Tulfo ang naturang post, sinabi niyang wala naman umano siyang nakikitang mali sa ginawa ni Collado lalo na at wala naman itong binanggit na anumang pangalan ng tao o ahensya.

Raffy Tulfo, sinermunan ang mga nagpadampot sa nag-post at naghahanap ng ayuda
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sumbong ng ginang, ipinasundo raw siya sa pulis kaya naman napilitan na siyang sumama.

Nabanggit niya kay Tulfo na sinabihan umano siya ng MSWD officer na si Connie David na burahin na lamang ang naturang post at mag-public apology.

Ayon naman sa MSWDO, "inimbitahan"lamang nila si Collado ngunit mariin na agad na sinabi ni Tulfo na mali ang kanilang ginawang pag-imbita na ito sa ginang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Maging ang pulis na si PSSgt. Juliet Baretto ay isa rin sa napangaralan ni Tulfo dahil umano sa pagsunod kay David sa pagdampot kay Collado. Wala naman umanong anumang nilabag si Collado sa kanyang post at wala rin naman warrant silang maihain sa ginang para ito'y kanila na lamang isama sa kung saanman.

Read also

2 akusadong tanod sa pagkamatay ng isang curfew violator, ipina-Tulfo na

Bago matapos ang pahayag, humingi na ng paumanhin ang pulis gayundin ang MSWD officer kay Collado.

At habang wala pang natatanggap na ayuda si Collado, padadalhan siya ni Tulfo ng Php10,000 para may panggastos sila ng kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang ama na walang-awang tinaga ng kanyang lasing na anak. Agad niyang pinadampot ang salarin na makailang beses nang binantaan ang buhay ng sariling ama.

Read also

PBA player Jio Jalalon, tuluyan nang ipina-Tulfo ng kanyang misis dahil sa umano'y panloloko

Gayundin ang isang sekyu na humingi ng tulong kay Tulfo dahil sa hindi pagpapasahod sa kanila na umabot na ng isang buwan. Natulungan siya ng "Hari ng public service" at makukuha na ng guwardiya ang pinaghirapang sweldo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica