Jayzam Manabat ng JaMill, inakusahan ng pang-iiwan sa ere ng 1 pang designer

Jayzam Manabat ng JaMill, inakusahan ng pang-iiwan sa ere ng 1 pang designer

- Isa pang designer ang nag-post sa social media tungkol sa umano'y pang-iiwan sa kanila ng vlogger na si Jayzam manabat

- Batay sa post ng designer na si Roman RS Sebastian, matapos pumayag ni Jayazam sa isang photoshoot ay bigla nalang itong hindi nagparamdam

- Ayon pa sa post, naghintay ang kanilang buong team sa labas ng subdivision kung saan nakatira ang JaMill nang ilang oras

- Wala pang reaksyon ang sikat na couple vlogger ukol sa panibagong isyu na ibinabato sa kanila ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahaharap na naman sa panibagong akusasyon ang couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o JaMill matapos mag-viral sa social media ang post ng isa pang designer tungkol sa umano'y pang-iiwan ng mga ito sa ere.

Batay sa Facebook post ng designer na si Roman RS Sebastian, pumayag sa isang collaboration photoshoot si Jayzam Manabat para sa kanila ng nobya na gagawin sa bahay ng mga ito sa Gapan, Nueva Ecija.

Read also

Jayzam Manabat ng JaMill, sumagot na sa "scam issue" nila ng 1 graphic designer

Ang stylist ng kanilang team na siya raw personal na kilala ni Jayzam ang siyang kumontak vlogger.

Jayzam Manabat ng JaMill, inakusahan ng pang-iiwan sa ere ng 1 pang designer
Photo: Couple vlogger JaMill (@jayzamlloyd)
Source: Instagram

Sa isang chat message, sinabi ni Jayzam na matutuwa raw ang nobyang si Camille sa nasabing project.

Maayos naman daw kausap si Jayzam noong una bagamat madalas ay matagal itong mag-reply, bagay na naiintindihan naman nila dahil maaaring busy ito.

Ngunit dumating ang araw ng photoshoot, bumyahe ang buong team ni Sebastian mula sa Taytay, Rizal papuntang Nueva Ecija para sa nasabing shoot.

Ngunit hindi na umano makontak si Jayzam at hindi na ito sumasagot. Ilang oras ding naghintay ang buong team sa sagot ni Jayzam ngunit wala umanong pasabi ang vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Dumating na rin kami sa subdv. At eto we tried calling MULTIPLE times hoping na mag respond sila, but to no avail. Sa limang oras na paghihintay WALA AS IN WALA, NI HA NI HO WALA.

Read also

OFW sa Dubai, napiling mabigyan ng brand-new car mula kay Supercar Blondie

"This is the first time EVER, in our career time na nangyari sa amin to, and we will not tolerate this kind of attitude, dahil tao kaming nakipag usap, at sana tao niyo rin kaming hinarap," ayon sa post ng designer.

Ilang larawan din ang ibinahagi ni Sebastian kung saan ipinakita nito ang kanilang team habang naghihintay sa labas ng subdivision. Maging ang ilang conversation nila kay Jayzam ay ipinakita rin sa post.

Mabilis na nag-viral ang post na ito at umani ng sari-saring reaksyon sa socmed.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang JaMill kaugnay sa panibagong kontrobersiya na ibinabato sa kanila.

Narito ang kabuuan ng post ni Sebastian:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

Kamakailan lang nang mag-viral din ang post ng isang graphic designer tungkol kay Jayzam Manabat na una nang naiulat ng KAMI.

Agad namang sinagot ni Jayzam ang nasabing isyu at sinabing nagkaayos na sila ng designer.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel