Jayzam Manabat ng JaMill, sumagot na sa "scam issue" nila ng 1 graphic designer

Jayzam Manabat ng JaMill, sumagot na sa "scam issue" nila ng 1 graphic designer

- Sinagot na ng vlogger na si Jayzam Manabat ang isyung kinakaharap kaugnay sa post ng isang graphic designer

- Batay sa viral Facebook post ng designer, kinuha ni Jayzam ang kanyang serbisyo ngunit hindi agad nabayaran ng sikat na vlogger at hindi sumagot sa kanyang mga mensahe

- Maging ang partner ni Jayzam na si Camille Trinidad ay nagawa na rin nitong kontakin ngunit maging ito ay hindi rin nag-seen sa mga mensahe niya

- Sa isang post, nilinaw ni Jayzam na nagkausap na sila ng naturang graphic designer at nagkasundo na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot na ng vlogger at isa sa bumubuo ng sikat na tambalang JaMill na si Jayzam Manabat ang isyung kinaharap kaugnay sa isang viral post ng isang graphic designer.

Batay sa Facebook post ng designer na si Renato Moog III, matapos kunin ang kanyang serbisyo at magawa ito ay hindi na siya nireplyan ni Jayzam.

Read also

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya

Ayon sa post ay hindi pa naibigay ni Jayzam ang napag-usapang halaga para sa serbisyo ni Moog.

Jayzam Manabat ng JaMill, sumagot na sa isyu nila ng 1 graphic designer
Photo: Jayzam Manabat and Camille Trinidad (@jayzamlloyd)
Source: Instagram

Ipinakita rin nito ang mga conversation nila ni Jayzam. Maging ang nobya nito na si Camille Trinidad ay kinontak na rin ni Moog upang makuha na ang kaukulang bayad para sa kanyang serbisyo ngunit maging ito ay hindi rin 'sineen-zone' ang mga mensahe niya.

Dahil dito ay maraming netizens ang tumawag sa pansin ng JaMill. Mabilis din nag-viral ang post ni Moog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, nilinaw na ni Jayzam sa pamamagitan ng isang social media post ang kanyang panig.

"Update lang sainyo, finally napag usapan na namin ni artist yung problem. Okay na, na take down na din ung tatlong post nya about dun sa underage para di na sila madamay.

"And then napagdesisyunan nya na wag idelete ung post nya and vlog ko para mag silbing aral ito sainyong lahat at alam naming meron at meron kayong nakuha from that.

Read also

Kapuso actress na si Krystal Reyes, walang kaarte-arteng sumabak sa live selling

"And then lastly, about sa tf nya, hindi daw nya gusto kumuha ng kung ano mang pera. Iaadd nalang namin daw sa donations na ginagawa namin ni camille. This time sya mamimili kung saan kami mag dodonate. according to him sa ospitals or patients ito.

"Sabi sainyo mga kaigan, walang problemang hindi masosolusyunan sa mga nag away away, tap tap tap na hahahaha! Okay na ang problem, solved na make Love not War Isang Ahu naman dyan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Jayzam Lloyd Manabat ay isa sa mga successful YouTubers sa Pinas kasama ang girlfriend na si Camille Trinidad. Kilala ang dalawa sa kanilang tambalan bilang JaMill na mayroong milyon-milyong followers.

Read also

Nag-viral na 65-anyos na gumagawa at naglalako ng bird cage, dinagsa ng tulong

Kamakailan lang nang mag-viral din si Jayzam dahil sa kanyang "broadcast" statement sa gitna ng isyu nina Jon Gutierrez at Jelai Andres.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel