OFW sa Dubai, napiling mabigyan ng brand-new car mula kay Supercar Blondie

OFW sa Dubai, napiling mabigyan ng brand-new car mula kay Supercar Blondie

- Masuwerte ang isang Pinoy sa Dubai dahil isa siya sa napiling mabiyayaan ng bagong kotse mula sa kilalang car enthusiast at vlogger na si Supercar Blondie

- Tatlong magagara at mga bagong labas na sasakyan ang ipinamigay ni Supercar Blondie sa mga "deserving" na magkamit nito

- Ang amo ng Pinoy ang siyang nagpadala ng email sa vlogger kung saan sinabi niya kung gaano kasipag sa trabaho ang OFW

- Naluha sa sobrang saya ang Pinoy na muntik na sana noong umuwi na lamang sa Pilipinas buhat nang mag-pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang kababayan natin sa Dubali ang mapalad na napili ng vlogger na si Alexandra Mary Hirschi o mas kilala bilang si Supercar Blondie na mabigyan ng brand-new car.

Bago matapos ang buwan ng Marso, nag-anunsyo ang car enthusiast at vlogger na pipili umano sila ng tatlong masuwerteng magkakamit ng mga bagong labas na sasakyan.

Read also

Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa

Nalaman ng KAMI na ang boss ng kababayan nating si Jeric ang nagpadala umano ng email kay Supercar Blondie.

OFW sa Dubai, napiling mabigyan ng brand-new car mula kay Supercar Blondie
Photo from Supercar Blondie
Source: UGC

Sinabi ng amo ni Jeric na si Abir na isa ang Pinoy sa masisipag niyang empleyado. Kinakitaan din niya ito ng dedikasyon sa trabaho at ang mahalaga sa lahat ay talagang mapagkakatiwalaan niya ito sa anumang bagay.

Dahil dito, sa libo-libong mga nagpadala ng email sa vlogger, isa si Jeric sa napili.

Kasama ang mga katrabaho, bumaba sila sa parking space ng kanilang opisina kung saan naroon si Supercar Blondie para ihandog ang supresa kay Jeric.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inakala ni Jeric na isa lamang photoshoot ang mgaganap ngunit nang ipaliwanag na ng vlogger ang mga nangyayari, doon na tumulo ang kanyang luha.

Sa sobrang saya, napatawag pa umano si Jeric sa ina niyang nasa Pilipinas para ibahagi ang magandang balita tungkol sa natanggap niyang biyaya.

Read also

Ama na sinurpresa ng mga anak ng plastik na lobo at itlog na cake, tutulungan ni Tulfo

Labis na nagpasalamat ang OFW kay Supercar Blondie gayundin sa amo niya naging daan para magkaroon siya ng sarili niyang sasakyan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Supercar Blondie:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Supercar Blondie ay isang social media celebrity, presenter at vlogger. Kilala siya sa mga video niya tungkol sa mga magagara at mamahaling kotse sa buong mundo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taon, sinurpresa niya ang kanyang empleyado na isang Pilipina. Binigyan niya ito ng limpak-limpak na salapi para umano sa pagreretiro niya at sa pagkokolehiyo ng kanyang anak

Isa ring masipag na carwash boy ang nabigyan ni Supercar Blondie ng tip na sinlaki na ng isang taong sahod niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel