Carwash boy, nakatanggap ng tip na sinlaki ng sahod niya sa isang taon

Carwash boy, nakatanggap ng tip na sinlaki ng sahod niya sa isang taon

- Masuwerte ang isang car wash boy sa Dubai na nakatanggap ng isang napakalaking tip mula sa kanyang naging customer

- Ang customer niyang ito ay ang sikat na Australian vlogger na naka-base sa Dubai na si Alex Hirschi o mas kilala bilang si Supercar blondie

- Sa umpisa ay tinapatan lamang ng vlogger ang pinakamalaki raw na tip nanatanggap ng car wash boy

- Hanggang sa binigyan pa niya ito ng tip na kasing laki ng isang buwang sahod niya at umabot pa ito sa perang katumbas na ng isang taon niyang sinasahod

- Nagpasalamat ng husto ang carwash boy na halos di makapagsalita at hindi makapaniwala sa biyayang kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Carwash boy, nakatanggap ng tip na sinlaki ng sahod niya sa isang taon

Alex Hirschi (Photo from Supercar Blondie'd Facebook)
Source: Facebook

Isang car cleaner o carwash boy ang sinurpresa ng kilalang Australian vlogger na si Alex Hirschi o mas kilala bilang si Supercar Blondie.

9-anyos na batang lalaki, matiyagang naglalako ng merienda para sa pamilya

Nalaman ng KAMI na nagpalinis umano ang vlogger sa car cleaner na nakilala niyang si Ismail. Nagulat pa umano ito dahil nakilala niya ang vlogger at nanonood umano siya ng mga video nito.

Habang inihahanda ni Ismail ang kanyang mga panglinis, hindi niya namamalayang unti-unti na palang inaalam ni Supercar Blondie ang kanyang buhay.

Una, inalam niya kung magkano ang pinakamalaking tip na kanyang natanggap sa sampung taon na niyang pagtatrabaho roon bilang car cleaner.

Sunod din niyang inalam kung magkano nga ba ang kinikita ni Ismail sa loob ng isang buwan.

Hindi pa man natatapos ang paglilinis ay nag-abot na si Alex ng halaga na tulad ng pinakamalaking tip na natanggap ni Ismail.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maya-maya pa'y nag-abot muli ang vlogger ng halaga naman ng isang buwang sahod ng car cleaner.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Ngunit ang talagang supresa ng vlogger, tutumbasan nito ang isang taong sahod ni Ismail bilang tip lamang niya sa paglilinis nito ng kanyang magarang kotse.

Halos di makapaniwala ang car cleaner sa di inaasahang biyaya na natanggap lalo pa at mula ito sa kanyang sinusubaybayang vlogger.

Hindi halos makapagsalita si Ismail sa sobrang saya at labis na nagpasalamat sa vlogger.

Ipadadala raw umano niya ang pera sa kanyang pamilya na nasa Bangladesh.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral ang video ni Supercar Blondie matapos na i-surpresa niya ang kanyang Pinay na empleyado ng buong college fund nito para sa anak niyang magko-kolehiyo pa lamang.

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang Pinay na masuwerte sa kanyang amo na pinahahalagahan ang mga nagawa rin naman ng kanyang empleyado para sa kanya.

Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

Si Supercar Blondie ay isang social media celebrity, presenter at vlogger. Kilala siya sa mga video niya tungkol sa mga magagara at mamahaling kotse sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel