Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa

Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa

- Patay na ang ginang na si Ressian Dumagat nang datnan ng kanyang mister sa kanilang tahanan

- Nilaslas sa leeg ang 31-anyos na ginang na naliligo na sa sariling dugo nang makita ng mister nitong sundalo

- Ang biktima, hinihinalang ginahasa rin dahil nakababa hanggang tuhod ang suot nitong pang-baba

- Isang cellphone at charger ang natagpuan ng mga awtoridad sa crime scene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ginang sa Camarines Sur na natagpuang patay ng kanya mismong mister na isang sundalo.

Base sa report ng Unang Balita ng GMA News, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Kinilala ang biktima na si Ressian Dumagat, 31-anyos, mula sa bayan ng Camaligan.

Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa
Photo: Ressian Xhanie Bechayda Dumagat
Source: Facebook

Ayon sa ulat, nilaslas ang leeg ng biktima na naliligo na sa sarili nitong dugo nang madiskubre ng asawa.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Hinihinala ring ginahasa ito dahil nakababa hanggang tuhod ang suot nitong pang-baba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ginahasa muna ang biktima bago pinatay.

Isang cellphone at charger ang nakita sa crime scene.

Tutulong din ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ni Dumagat sa social media. Marami ang hindi makapaniwala sa biglaang pagkamatay nito.

Humihingi rin ng hustisya ang mga ito para sa ginang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang 26-anyos na dalaga ang pinatay at nagtamo ng 36 saksak sa Caloocan, matapos pagnakawan.

Read also

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

Noon ding nakaraang taon nang maibalita ang malagim sa sinapit ng isang dalaga na nagtamo ng 52 saksak at natagpuan sa loob ng kotse nito. Kinilala ang biktima na si Jang Lucero.

Ang isa sa mga itinuturong suspek, ang nobya nito na si Meyah Amatorio na una nang itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel