Malagim na sinapit ni Jang Lucero sa kamay ng mga suspek, inilahad

Malagim na sinapit ni Jang Lucero sa kamay ng mga suspek, inilahad

- Lumabas na kung paano pinatay ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa Laguna na si Jang Lucero

- Isang source ang nagsabing isa sa mga suspek ang humawak sa kamay ng biktima habang isa pa ang sumaksak naman dito

- Nito lamang Martes nang ilahad din ng PNP na naaresto na ang itinuturong "mastermind" ng krimen na si Ann Shiela Montes Belarmino

- Napag-alaman din na may kaugnayan ang naarestong suspek sa nobya ng biktima na si Meyah Amatorio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakapanlumo ang sinapit ng dalagang si Jang Lucero na natagpuang patay at tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Bypass Road sa Calamba, Laguna.

Sa isang report ng 24 Oras ng GMA News (Reporter, John Consulta), sinabi ng isang source nito na isa sa mga suspek na may alyas M ang humawak sa kamay ng biktima mula sa likuran habang ang isa naman na may alyas Ad ang sumaksak umano dito.

Isang alyas B naman ang nakasunod sa mga ito na sakay ng isang asul na kotse na naging get away vehicle ng mga suspek.

Malagim na sinapit ni Jang Lucero sa kamay ng mga suspek, inilahad

Photo from Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kuha ng CCTV na nakalap ng mga pulis, nakuhanan pa ang pagsakay ng dalawang lalaki at isang babae sa kotse ni Lucero. Nakuhanan din ang pagsunod ng asul na kotse sa mga ito.

Ang babae sa CCTV ay naaresto na at kinilalang si Ann Shiela Montes Belarmino, 20-anyos at napag-alamang dating nakarelasyon ng nobya ng biktima na si Meyah Amatorio.

"Si Anne ay allegedly may konting selos dun sa biktima. Siya mismo yung sumakay sa sasakyan ng biktima and napaka-importante na na-identify siya dahil siya mismo yung kasama nung mga sumaksak sa biktima," ayon sa Regional Director ng PRO-4A na si Brigadier General Vicente Danao.

Natunton si Belarmino sa tulong na rin ng mga saksi, CCTV footage at ang tattoo nito sa likod.

Ito rin ang tinukoy na "mastermind" umano sa malagim na krimen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ay suma-sideline bilang private driver matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon sa pulisya, nagtamo ito ng 52 saksak na tinamaan ang puso, apdo, baga at iba pang organs ng biktima.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na kilala nito at ng nobya ang mga suspek.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel