BF ng babaeng pinatay sa 36 na saksak ng 1 magnanakaw, nagluluksa

BF ng babaeng pinatay sa 36 na saksak ng 1 magnanakaw, nagluluksa

- Labis-labis ang sakit na nadarama ng nobyo ng babaeng pinatay sa 36 saksak sa Caloocan noong September 11, 2020

- Ayon sa ulat, biktima ang dalagang si Chrisna Hipolito ng isang modus ng pagnanakaw

- Kinilala naman ang suspek na si Jerome Tayubong na agad naman daw nahuli matapos ang krimen

- Dahil sa masaklap na pangyayari ay nagbigay naman ng babala ang nobyo ni Chrisna sa publiko upang mag-ingat sa modus na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis-labis ang sakit na nadarama ng nobyo ng babaeng pinatay sa 36 saksak sa Caloocan noong September 11, 2020 bandang 6:22 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Chrisna Hipolito, 26-anyos at residente ng 11th Avenue, West Grace Park, sa siyudad.

BF ng babaeng pinatay sa 36 na saksak ng 1 magnanakaw, nagluluksa

Photo from Leocarvi Sy Facebook account
Source: Facebook

Batay sa FB post ng nobyo nito na si Leocarvi Sy, biktima ito ng isang modus ng pagnanakaw na ang karaniwang mga biktima ay mga babaeng nag-iisa, kung saan magkukunwari ang suspek na may hinahanap na tao.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Noong gabi ng krimen, kumatok ang suspek na kinilalang si Jerome Tayubong sa kanilang unit at isa pa nilang kapitbahay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon dito ay tinitignan ng suspek kung mag-isa lamang ang tao sa isang unit. Dahil parehong babae ang naturang kapitbahay nila ay hindi ito nagbukas ng pinto.

Ngunit sa kasamaang-palad ay iba ang nangyari kay Chrisna.

"This guy reached 4th floor he knocked on my GF's door again and my girlfriend is kind and helpful and dont judge people by their appearance so she opened the door again," ayon kay Leocarvi.

Nang mapagbuksan ay agad umanong pinagsasaksak ng suspek ang biktima. Matapos nito ay kinuha na nito ang tatlong cellphones at tatlong wallet ni Chrisna.

Ngunit hindi ito nagtagumpay na makatakas sa tulong na rin ng mga residente roon, building maintenance at mga kaibigan.

Bangkay ng 23-anyos na transgender, natagpuang lumulutang sa ilog

Dahil sa masaklap na pangyayari ay nagbigay naman ng babala ang nobyo ni Chrisna sa publiko upang mag-ingat sa modus na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang June nang mabalita ang malagim na sinapit ng 34-anyos na car pool driver na si Jang Lucero na namatay sa mahigit 50 saksak.

Ang nobya nito na si Meyah Amatorio ang isa sa mga itinuturing na suspek sa krimen na agad namang itinanggi nito.

Ngunit makalipas lang ang ilang araw ay dinukot ng ilang 'di nakilalang lalaki si Meyah kasama ang pamangkin nito na natagpuang patay, ilang metro ang layo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel