Meyah Amatorio, nagsalita na nang madiin sa pagkamatay ni Jang Lucero

Meyah Amatorio, nagsalita na nang madiin sa pagkamatay ni Jang Lucero

- Umiiyak na humarap sa isang panayam ang nobya ng pinatay na si Jang Lucero na si Meyah Amatorio

- Nauna nang naibalita na naniniwala raw ang pamilya ng biktima na may kinalaman si Amatorio sa pagkamatay nito

- Hindi naman daw inasahan ni Amatorio na maniniwala ang pamilya ng nobya sa mga akusasyon sa kanya

- Labis na rin daw apektado ang kanyang pamilya sa pangyayari lalo na sa mga paninira at pagbabanta sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Emosyonal na humarap si Meyah Amatorio, ang nobya ng pinatay na si Jang Lucero, sa panayam dito ng 24 Oras ng GMA News para magsalita laban sa mga akusasyon sa kanya.

Nauna nang naibalita nang idulog ng pamilya ni Lucero ang kaso sa National Bureau of Investigation (NBI).

Naniniwala rin daw ang pamilya ng biktima na may kinalaman si Amatorio sa brutal na pagkamatay nito.

Meyah Amatorio, nagsalita na nang madiin sa pagkamatay ni Jang Lucero

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

Pero nanindigan si Amatorio na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng nobya.

Hindi rin daw niya inasahan na maniniwala ang pamilya nito sa mga akusasyon laban sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Naniniwala siya dun sa mga taong gumagawa lang ng kwento. Na akala ko kakampi ko sa pagkuha ng hustisya para sa girlfriend ko. Pero kahit na gano'n na 'yung nangyari... lalaban ako para sa girlfriend ko," umiiyak na sabi ni Amatorio.

Umaapela rin ito sa mga taong nagpapakalat ng "fake news" laban sa kanya sa social media.

"Sobrang sakit. 'Di mawawala 'yung takot e, dahil sa mga pagbabanta nila. 'Di nila alam 'yung pinagdadaanan ko, doble-doble 'yung sakit. Pati magulang ko naaapektuhan. Nahihiya ako... buong bayan dito samin, ang sama ng tingin samin. Hindi naman totoo," sabi pa nito.

Ang pamilya naman ng pinaslang na si Lucero, desididong ituloy ang laban upang mapapanagot ang suspek o mga suspek.

Nangako rin ang NBI na tututukan ang kaso nito at magsisimula nang mag-imbestiga matapos itong idulog ng kapatid ni Lucero sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong June 28.

Ang dating karelasyon ng nobya nitong si Amatorio ang unang itinurong suspek at naaresto pa ng mga pulis matapos makakalap ng mga ebidensiya laban umano dito.

Pero kalaunan ay pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel