Ama, ipina-Tulfo na ang anak na walang-awang nanaga sa kanya
- Dumulog na kay Raffy Tulfo ang isang ama mula sa Albay, Bicol na nakuhang tagain ng sarili niyang anak
- Ayon sa ama, tila gawain na ito ng kanyang bunsong anak tuwing ito ay malalasing
- Nang kapanyamin naman ni Tulfo ang suspek, sinabi nitong pinagkakaisahan daw siya ng ama at kapatid
- Agad na inaksyunan ni Tulfo ang sumbong at sinabing ipadadampot na agad ito sa pulisya lalo na at hindi ito ang unang beses na pinagtangkaan ang sariling ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humingi na ng saklolo kay Raffy Tulfo ang isang ama na si Rodrigo Buela Sr. na nagawang tagain ng sarili niyang anak na si Rodrigo Buela Jr.
Nalaman ng KAMI na makikita pang sugatan ang ama nang dumulog kay Tulfo kasama ang isa pa nitong anak.
Ayon sa ama, nagagawa ito ng kanyang Jurior tuwing nalalasing, hindi raw nila malaman kung ano ang problema nito at nagawang saktan ang sariling ama.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa panayam naman ni Tulfo sa suspek, sinabi nitong kaya lamang niya nagawa ang pananaga dahil sa pinagkakaisahan daw siya ng ama at kapatid.
Agad na inaksyunan ni Tulfo ang sitwasyon at ipadadampot na para makulong si Junior. Masasampahan din ito ng kasong grave threat.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lamang ay inaksyunan na rin ni Tulfo ang nangyaring pambubugbog umano sa isang curfew violator sa Turbina, Laguna na nauwi sa pagkasawi nito. Ipapa-lie detector test niya ang dalawang tanod na sangkot sa pananakit gayundin ang saksi upang malaman kung sino ang nagsasbai ng totoo.
Natulungan din niya ang nag-viral na security guard na isang buwang hindi napasahod. Agad na nakipag-ugnayan si Tulfo sa agency para maibigay na ang sahod ng kaawa-awang sekyu.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh