Ama, naiyak nang biglang dumating ang anak na tatlong buwang hindi nakauwi

Ama, naiyak nang biglang dumating ang anak na tatlong buwang hindi nakauwi

- Viral ngayon ang video ng isang ama na talagang naiyak sa pag-uwi ng kanyang anak

- Makikita sa video na hindi mapigilan ng ama ang pag-agos ng luha nang muling makita ang anak na tatlong buwang hindi nakauwi

- Nang tanungin siya ng kanyang anak kung na-miss siya nito, talagang sumagot ang ama ng "oo"

- Maraming netizens ang naantig ang puso sa reaksyon ng ama sa pagdating ng kanyang anak na sobrang miss na raw niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa TikTok ang video ni James Roche @haymemanalo kung saan ipinakita niya kung gaano kalambing sa kanya ang ama.

Nalaman ng KAMI na hindi nakauwi si James sa kanilang probinsya kung nasaan ang ama sa loob ng tatlong buwan.

Marahil dala ng mga community quarantine, noon lamang nagkitang muli si James at ang kanyang ama.

Read also

Isang babaeng mag-isang nagdiwang ng kanyang kaarawan, umantig sa mga netizens

Ama, talagang naiyak nang biglang dumating ang anak na 3 buwang hindi nakauwi
Photo from James Roche
Source: UGC

Kapapasok pa lamang ng anak sa ama para mag-mano ay tumulo na agad ang luha nito.

"Na-miss mo ako tatay?" tanong ni James, at agad naman siyang sinagot ng ama ng "oo" habang pinapahid nito ang kanyang luha.

Maraming netizens ang naantig ang puso sa tagpong ito at tila nakaramdam din sila ng pagka-miss sa kanilang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakadala naman 'yung iyak ni tatay, talagang love niya ang kanyang mga anak"
"Napaka-swerte mo po kuya na mayroon ka pang tatay na ganyan ka-sweet"
"Imagine, three months pero ganyan na ang iyak ni tatay, love na love ka po niya!"
"Nag-worry lang po si tatay sa inyo dahil sa COVID-19, thankful po 'yan na safe kayo"
"Minsan lang sa mga tatay maging expressive, swerte po kayo at ganyan po kalambing ang tatay niyo"

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa bansa, sumailalim sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna.

Ito ang dahilan kung bakit hindi muling nakabiyahe ang ilan sa ating mga kababayan pauwi ng kani-kanilang mga probinsya dahil ang mga kasama sa NCR Plus ay hindi pahihintulutang lumabas ng kani-kanilang lugar.

Dahil dito, marami ang nanatili sa loob ng kani-kanilang tahanan bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na lumalaganap na COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica