Basel Manadil, tumambay sa isang botika para bayaran ang binibili ng ilang customer
- Naisipan ng vlogger na si Basel Manadil na magbigay ng tulong sa ilang customer ng isang botika
- Boluntaryo siyang nagbabayad ng mga binibili ng ilang customer lalo na iyong mga kinukulang ng pambili
- Isa sa natulungan niya ang street sweeper na lolo na bumibili ng ilang sachet ng gatas para sa apo
- Bukod sa binayaran niya ang mga pinamili nito, inabutan pa niya ito ng karagdagang tulong pinansyal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli na namang nagbahagi ng biyaya ang YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.
Nalaman ng KAMI na tumambay sa isang botika si Basel para boluntaryong magbayad ng binibili ng mga customer.
Naisip iyang gawin ito para makatulong lalo na at alam daw niya ang hirap na nararanasan ngayon ng karamihang Pilipino dahil sa pandemya.
Nagugulat na lamang ang mga bumibili sa botika sa tuwing nilalapitan sila ni Basel upang bayaran at kanilang pinamili.
Ang laging tanong sa vlogger ay "why?" na agad naman niyang sinasagot at sinasabing labis na siyang nabiyayaan kaya naman nais niya itong ibahagi.
Isa sa mga natulungan niya ay ang babaeng hindi na sana bibili ng gamot dahil sa mahal ito at kulang na ang kanyang pera. Masuwerte siyang nalapitan ni Basel kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng babae sa vlogger.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ang ilan, tumatanggi pa at marahil nagugulat sa ginagawa ng vlogger na pagtulong.
Isa na rito ang street sweeper na bibili lang sana ng ilang sachet ng gatas para sa apo. Ngunit nang lapitan siya ni Basel at nalamang iyon lamang kasi ang kaya na pera ng street sweeper, ikinuha na niya ng malaking gatas ang apo nito, maging ang maintenance na gamot nito at inabutan din niya ito ng tulong pinansyal.
Narito ang ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lamang ay ipinaalam ni Basel na nagpahinga muna siya sandali sa paggawa ng video gayung nakaramdam umano siya ng pagod at kinailangan lamang niyang "mag-recharge" pansumandali.
Ngunit dala marahil ng kabutihan ng kanyang puso at likas na pagtulong sa kapwa, agad na naman siyang nakaisip ng paraan para magbahagi ng biyaya upang magbigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh