Basel Manadil, inilahad ang dahilan sa 'di niya paggawa ng vlog kamakailan

Basel Manadil, inilahad ang dahilan sa 'di niya paggawa ng vlog kamakailan

- Ipinaliwanag na ni Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungy Syrian Wanderer kung bakit wala siyang vlog kamakailan

- Idinetalye niya ang mga rason lalo na at marami ang nakapansin at naghahanap sa kanya

- Hindi rin nakawala sa mga mata ng netizens ang biglaang pagbawas ng timbang nito

- Gayunpaman, nagpasalamat siya sa mga nagmalasakit at patuloy na sumusuporta sa kanya

- Ipinangako naman niyang ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng saloobin si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer kaugnay sa hindi niya paggawa ng vlog kamakailan.

Nalaman ng KAMI na maraming mga subscribers niya ang tila na-miss siya at napansing wala siyang ginawang video sa mga nakalipas na araw.

Basel Manadil, inilahad ang dahilan sa 'di niya paggawa ng mga vlog kamakailan
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

"For the past week I was not feeling well," panimula ni Basel. Pinili niyang manatili lamang sa kanyang bahay ng ilang araw dahil dito.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

"I feel drained, physically ang mentally I feel drained that's why I muni-muni in my balcony for awhile and I need to feel better, I need to breathe."

Sinabi niyang dala marahil ito ng marami niyang responsibilidad, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa ibang tao.

Bilang negosyante rin si Basel, nagpapakatatag umano siya para sa kanyang mga empleyado na siya rin ang inaasahan. Ilan na rin kasi ang kanyang mga negosyong hinahawakan at makikita naman sa kanyang mga video na talagang hands-on siya sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Aminado siyang nakakaramdam din siya ng pressure dahil dito. Kaya naman binigyan lamang daw niya ng oras ang kanyang sarili nakapagpahinga.

"I need to regain my strength, I need to regain my power, I need to regain my charge and my battery"

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Dahil dito, sinisikap din ni Basel na maibalik ang focus sa lahat ng mga adhikain niya sa buhay.

Ipinangako naman niyang ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong sa kapwa lalo na ngayon na marami talaga ang nangangailangan.

"Trust me one thing, we're gonna go back stonger, we're going to help more people and we're going to reach out more people"

Pinasalamatan din niya ang mga patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya at siniguro naman niyang siya ay patuloy pa ring tutulong sa mga Pilipinong naghihikahos lalo na ngayong panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ilan sa mga natulungan niya kamakailan ay ang mga delivery riders na nabigyan niya ng biyaya nang mag-order siya at kung sinoman ang mag-deliver, binibigyan niya ng tulong pinansyal.

Ganoon din halos ang kanyang ginawa sa mga jeepney drivers. Nagkunwari siyang pasahero at sa kada jeep na sasakyan niya binibigyan din niya ng biyaya ang mga masisipag na tsuper.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica