Lolo na nakatira sa kulungan ng baboy, napasaya at natulungan ng isang vlogger

Lolo na nakatira sa kulungan ng baboy, napasaya at natulungan ng isang vlogger

- Isang lolo sa Bicol ang natulungan ng vlogger na si Virgelncares nang matagpuan niya ito sa munisipyo ng Pili

- Nais sanang humingi ng lolo ng tulong sa alkalde ng kanilang lugar subalit dahil sa weekend noon, sarado naman ang opisina

- Ang vlogger na muna ang nagbigay ng pangkain ng lolo na ang pakay lamang sa kanilang alkalde ay ang pambili ng kanyang pagkain

- Labis na nagpasalamat ang matanda sa vlogger na binalikan pa siya upang ipaabot ang karagdagang tulong para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ng vlogger na si Virgelyncares ang lolo na nakatira lamang sa dating kulungan ng baboy.

Nalaman ng KAMI na nakita umano ni Virgelyn ang lolo na si Renato Barang sa munisipyo sa Pili na napapagod na raw sa paglalakad at pagtayo.

Sadya raw ni Tatay Renato ang kanilang alkalde dahil nais sana niyang makahingi ng tulong.

Read also

Ukay-ukay vendor na naloko ng pinagkukunan ng paninda, natulungan matapos mag-viral

Lolo na nakatira sa kulungan ng baboy, napasaya at natulungan ng isang vlogger
Si Tatay Renato kasama si Virgelyncares (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Gutom na raw ang matanda na walang pambili ng "kanin at ulam" niya.

Subalit, dahil sa weekend nang ito ay magsadya sa munisipyo, nabigo itong makausap ang kanilang mayor.

Ngunit to the rescue naman si Virgelyn na siyang bumili muna ng pangangailangan ng lolo.

Isa ring kasapi ng MDRRMO sa Bicol ang nag-abot ng pangkain ng lolo na napangiti sa mga biyayang natanggap.

Bukod dito, binalikan pa muli ni Virgelyn si Tatay Renato kung saan nakita niya ang kalunos-lunos na kalagayan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nakatira lamang kasi ito sa dating kulungan ng baboy at dala marahil ng kahirapan sa buhay at katandaan, hindi na niya magawang maayos pa ang kanyang munting tahanan.

Dahil dito, ipinamili na lamang siya ni Virgelyn ng mga gamit sa bahay at mga karagdagang groceries.

Ito ay mula rin daw sa mga overseas Filipino Workers na naantig ang puso at nagpadala ng tulong kay Tatay Renato.

Read also

Jobert Austria, emosyonal na inalala ang buhay noong nalulong sa bawal na gamot

Emosyonal na nagpasalamat naman ang lolo sa biyayang kanyang natanggap at napasaya rin siya ni Virgelyn dahil sa pagpapatawa nito para mapagaan na rin ang kalooban ng lolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Isa sa mga natulungan ni Virgelyn kamakailan ay ang ina na hindi na makalakad ngunit gumagapang pa rin para makagawa ng mga gawaing bahay.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Read also

Lolo na nasunugan at namumuhay na lang mag-isa, natulungan ng mabait na vlogger

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica