Ukay-ukay vendor na naloko ng pinagkukunan ng paninda, natulungan matapos mag-viral
- Isang ukay-ukay vendor ang naloko ng kanyang pinagkukunan ng paninda ang natulungan matapos na mag-viral
- Na-upload ng isang nagmalasakit na residente ang kalagayan ng 63-anyos na tindero na ipinangutang pa ang puhunan
- Mga shorts na nagkakahalaga ng Php5,000 sana ang order ng vendor para kanyang ibenta ngunit mga panlamig ang dumating
- Kaya naman para lamang mabili gayung tag-init ngayon, halagang Php10 na lamang niya ibinebenta ang mga damit
- Dahil nag-viral ang post, marami ang nagpaabot ng tulong at dumayo sa kanyang munting pwesto
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dinagsa ng tulong ang 63-anyos na ukay-ukay vendor matapos na mag-viral ang post ng isang nagmalasakit sa kanya.
Nalaman ng KAMI na nabiktima pa umano ng scam si "Mamay Guryo" dahil ang order niyang ititindang shorts na nagkakahalaga ng Php5,000 ay hindi dumating.
Sa halip, mga panlamig ang nai-deliver sa kanya na tila mahirap ibenta sa panahon ngayon bilang tag-init.
Kaya naman para lamang ma-engganyong mamili ang mga tao, Bagsak presyo na ang kanyang paninda sa halagang Php10.
Ayon sa uploader ng larawan ni Mamay Guryo na si Janyra Sabino, sa Balete Relocation Site, Batangas City nakapwesto ang tindero.
At dahil tapat lamang ito ng kanilang tahanan, naisipan ni Janyra na ibahagi ang larawan at kwento nito.
Maging siya ay nakabili na rin at masasabi niyang magaganda naman ang mga panlamig.
Hinikayat niya ang mga makakakita ng kanyang post na bumili para matulungan na rin si Mamay Guryo.
Hindi naman nabigo si Janyra dahil marami ang rumesponde at nagpaabot ng tulong sa tindero.
Sa update ni Janyra sa comment section ng isang post ng kanyang kaibigan na si Franz Cerdenia na nag-share din ng kwento ni Mamay Guryo, makikitang nakarating na sa tindero ang mga tulong pinansyal.
Mababakas na rin ang kasiyahan sa kanyang mukha dahil unti-unti na niyang nababawi ang puhunan na ipinangutang pa niya.
Bukod dito, marami rin ang dumarayo sa pwesto ni Mamay Guryo kaya naman naibebenta pa rin ang mga panlamig.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, isang ama rin ang natulungan ng programa ni Raffy Tulfo matapos nitong mag-viral dahil sa munting handog ng kanyang anak. Nabigyan sila ng tulong pinansyal lalo na at pangangalakal lamang ang kanilang ikinabubuhay.
Gayundin ang isang lalaking naglalako ng unan mula Rizal patungong Makati, na natulungan ng isang vlogger na humanga sa kanyang kasipagan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh