Batang nagbigay ng mga kamote sa kanilang community pantry, bibigyan ng scholarship
- Hinangaan ang isang siyam na taong gulang na katutubo sa Occidental Mindoro sa pagbibigay niya ng mga kamote sa kanilang community pantry
- Naantig ang puso ng organizer nang lumapit ang bata na may dalang kalahating sako ng kamote
- Ayon sa ina ng bata, galing sa sarili nilang taniman ang kamote at talagang inihanda nila para maibahagi
- Binigyan din sila ng mga organizers ng pantry ng kanilang lugar ng mga grocery items bilang pasasalamat
- Sagot din ng organisasyon ang full scholarship sa pag-aaral mula elementary hanggang college
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ginawa ng batang si Ornelo "Don Don" Sinagmayon ng Occidental Mindoro na nagbahagi ng kalahating sako ng kamote sa kanilang community pantry.
Kwento ng isa sa mga organizers ng kanilang pantry na si John Christoper Lara ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan, nagulat daw sila nang biglang lumapit ang siyam na taong gulang na batang si Don Don dala ang kalahating sako ng kamote.
Nalaman ng KAMI na 'di lamang isang beses nagbigay si Don Don ng tulong para sa kanilang community pantry.
Ayon sa kanyang ina na si Marialyn, sariling tanim nila ang mga kamote at naghanda talaga sila ng maari nilang naibigay sa kanilang pantry sa Barangay Pinagturilan.
Nang makapanayam nina John Christopher ang mga kapitbahay nina Don Don, sinabi ng mga ito na mabuti at maasahang bata ito lalo na ng kanyang ina. Nagtatrabaho kasi ang kanyang kuya at tatay at si Don Don ang nakakatulong sa kanyang ina sa kanilang bahay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil sa nakakaantig pusong kabutihan na nagawa ng bata, nagmalasakit ang organisasyon nina John Christopher na bigyan ng grocery items din ang pamilya ni Don Don.
Hindi lamang ito, sisiguraduhin din nilang magiging maayos ang kinabukasan ng bata na bibigyan nila ng full scholarship mula elementarya hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo.
Mababakas sa larawan ng bata ang kasiyahan lalo na at matutupad ang kanyang maging pangarap na maging isang guro.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang isipin na dumarami ang mga kababayan nating nagbabahagi ng kung anuman ang kanilang makayanan sa kanilang community pantry.
Matatandaang nag-viral ang isang lalaki na inakalang naghihintay ng pagkain sa kanilang community pantry iyon pala, siya pa ang magbibigay ng Php46 na kanyang kinita sa paglalako ng ilang piraso ng bakal.
Gayundin ang isang ginang na bagaman at hirap sa buhay at may mga maliliit pang mga anak, naisipan pa ring ibahagi ang kanyang mga sariling tanim para sa kanilang community pantry.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh