Ginang na nag-donate ng sariling tanim sa community pantry, umantig sa puso ng netizens

Ginang na nag-donate ng sariling tanim sa community pantry, umantig sa puso ng netizens

- Umantig sa puso ng maraming netizens ang ginawa ng isang ginang sa Pamplona, Cagayan

- Sa kabila ng dinaranas niyang kahirapan, naisipan pa niyang magbahagi ng sarili niyang ani sa kanilang community pantry

- Labis na humanga ang SK President sa kanilang lugar sa ginawang ito ng ginang kaya naman nangako siyang sasadyain ito upang maabutan ng sukli sa kabutihan nito

- Unti-unti na ring nagkakaroon ng kanya-kanyang mga community pantry sa nasabing bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang humanga sa kabutihan ng isang ginang sa Pamplona, Cagayan matapos na mag-donate ito ng sarili niyang tanim na mga gulay sa kanilang community pantry.

Nalaman ng KAMI na maging ang SK President na siyang nag-organisa sa community pantry sa lugar ay labis na naantig sa tulong na ipinaabot ng ginang.

“Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, may gan’ung tao pa pala na kahit walang-wala na, magbibigay pa rin,” pahayag ni SK Chairman Anford Aquino sa panayam sa kanya ng GMA News.

Read also

Jollibee sa Quezon, natulungan ang isang ginang na 'di na alam kung saan uuwi

Ginang na nag-donate ng sariling tanim sa community pantry, umantig sa puso ng netizens
Photo from Mark Ian/ SK Federation Pres. Anford Aquino
Source: Facebook

Napag-alaman pa ni Aquino na mula rin sa mahirap na pamumuhay ang ginang na mayroon pang maliliit na mga anak.

Kaya naman upang masuklian ang kabutihan ng ginang, sinadya nila ito upang madalhan ng mga grocery items bilang tulong sa pamilya nito.

Narito ang kabuuan ng post na naibahagi rin ng netizen na si Mark Ian:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya sa bansa ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

Read also

Nag-viral na mga babae sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na sa RTIA

Tulad ng ginang na ito sa Cagayan, isang lalaki rin ang hinangaan matapos na mag-abot ng Php46 niyang tulong para sa community pantry sa kanilang lugar. Inakala pa ng organizers na nag-aabang ito ng pagkain, kaya naman laking gulat nila na magbibigay pala ito ng kanyang tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica