Jollibee sa Quezon, natulungan ang isang ginang na 'di na alam kung saan uuwi
- Isang ginang ang nakauwi sa kanyang pamilya sa tulong ng nagmalasakit na manager ng Jollibee sa Sariaya, Quezon
- Kahit sarado na ang store, pinapasok pa rin ng guwardiya at manager ang ginang na hindi raw makauwi dahil wala na itong pamasahe
- Habang kanila itong pinakakain, napag-alaman ng manager na hindi rin pala alam ng ginang kung saan siya uuwi
- Dahil sa diskarte ng manager sa pag-share ng kanyang post, ilang oras lamang ay nasundo na rin ang ginang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ginawang pagmamalasakit ng manager ng Jollibee Sariaya na si Strong Alarde matapos niyang matulungang makauwi ang isang ginang na hinahanap na pala talaga ng kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na bagama't sarado na ang store nang makita nila ang ginang sa may parking lot, pinapasok pa rin ito ng guwardiya at ng manager.
Wala raw pamasahe ang ginang kaya hindi na ito makauwi sa kanila. Napansin nina Alarde na tila pagod at gutom na ang ginang kaya pinakain na rin nila ito.
Habang ito ay kumakain, inusisa na ni Alarde ang detalye ng ginang upang matulungan na nila itong makabalik sa kanilang tahanan.
Doon, napag-alaman nilang hindi rin pala nito alam kung saan nga ba siya uuwi.
May dala raw cellphone ang babae subalit hindi naman daw nito alam ang password kaya hindi nila ito mabuksan.
Dahil dito, gumawa na ng paraan ang manager upang maipaalam sa mga kaanak ng ginang kung nasaan na ito.
Mabuti na lamang at natandaan pa ng babae ang kanyang pangalan na "Mezyl Grace Egot". Ito ang naging daan upang mahanap ng manager ang Facebook account nito.
Sa tulong ng mga kakilala ng manager sa lugar, mabilis na nai-share ang kanyang post. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpadala na ng mensahe ang nagpakilalang kapatid ng babae.
Maghapon na raw nila itong pinaghahanap dahil sa nakaalis ito nang hindi nila nalalaman.
Wala pang isang oras ay nasundo na rin ang ginang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang isipin na sa gitna ng pandemya, higit na nangingibabaw ang pagtutulungan ng bawat isa lalo na sa mga taong labis na nangangailangan.
Kamakailan, matatandaang nag-viral din ang post ng isang netizen na nagmalasakit na tulungan ang isang batang lalake na naglalako ng halaman na kanyang nakasakay sa jeep. Dahil naibahagi niya sa kanyang FB ang kwento ng bata, marami ang nagpaabot ng tulong dito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh