17-anyos na raketera, hands-on sa ipinatatayong bahay para sa kanyang ama

17-anyos na raketera, hands-on sa ipinatatayong bahay para sa kanyang ama

- Ipinakita ng dalagita na si Clara na siya mismo ang tumutulong sa pagpapatayo niya ng bahay para sa kanilang mag-ama

- Matatandaang si Clara ang nag-viral na dalagita na tinulungan ng vlogger na si Virgelyncares

- Marami ang humanga kay Clara dahil sa pagtataguyod niya sa kanilang mag-ama lalo na at ito ay na-stroke

- Kinakitaan kasi ng kasipagan ang dalagita lalo na at iniwan na sila ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas lalong dumami ang mga humanga sa dalagitang si Clara matapos makita ang pinakabago niyang vlog kung saan siya mismo ang tumutulong sa pagpapatayo ng kanilang bahay.

Maaalalang si Clara ang 17-anyos na dalagita na napiling tulungan ng vlogger na si Virgelyncares dahil sa kasipagang ipinamamalas nito para maitaguyod din ang ama na na-stroke.

Sa sarili niyang vlog, ipinakita ni Clara ang kanyang mga gawaing bahay maging ang pagiging hands-on sa ipinagagawang bahay para sa kanyang ama.

Read also

Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

17-anyos na raketera, hands-on sa ipinatatayong bahay para sa kanyang ama
Photo from Clara's vlog YouTube channel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matapos ang ilang gawaing bahay, diretso na si Clara sa ipinatatayong tahanan. Siya mismo ang nag-aabot ng mga kahoy ay maging naghahalo ng semento.

Bumilib lalo ang mga netizens sa kanya dahil bukod sa mga gawaing bahay at pagtulong sa paggawa ng bagong tahanan, online seller din siya at nagtitinda ng merienda tuwing hapon.

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula mismo sa kanyang sariling YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Clara ay isa lamang sa mga naaabutan ng mga biyaya ng vlogger na si Virgelyncares. Dating tindera sa bakery ang dalagita ngunit naisipan niyang magtinda na lamang ng merienda malapit sa kanilang tahanan upang matingnan din ang kalagayan ng ama na na-stroke. Sa kasamaang palad din kasi ay iniwan na sila ng kanyang ina.

Read also

17-anyos na raketera at nagpapagawa ng sariling bahay, nabiyayaan pa ng bagong motorsiklo

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod kay Clara, natulungan din ni Virgelyn ang isang lolo sumadya pa sa kanilang munisipyo para sana makahingi ng tulong at siya ay nagugutom. Ngunit dahil weekend, sarado ito kaya naman ang vlogger ang nagbigay ng tulong sa matanda na labis na nagpapasalamat sa mga biyayang binigay ni Virgelyn.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica