17-anyos na raketera at nagpapagawa ng sariling bahay, nabiyayaan pa ng bagong motorsiklo

17-anyos na raketera at nagpapagawa ng sariling bahay, nabiyayaan pa ng bagong motorsiklo

- Dahil marami ang humanga sa diskarte sa buhay ng dalagita na si Clara, nabigyan pa siya ng bagong biyaya

- Sa tulong ng vlogger na si Virgelyncares, nabigyan pa ng bagong motorsiklo si Clara na magagamit nito sa pag-aaral at pagnenegosyo

- Minsan na kasing naikwento ni Clara ang mahal ng pamasahe niya sa pagpunta ng bayan para makabili ng kanyang paninda

- Labis ang pasasalamat ni Clara sa vlogger dahil malaking bagay ang pagkakaroon ng sariling motor para sa kanilang mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang YouTube vlog ng Virgelyncares 2.0 sa dalagita na si Clara, marami lalo ang nagpaabot ng tulong sa kanya.

Nalaman ng KAMI na muling binalikan ng vlogger na si Virgelyn para surpresahin muli ang masipag na dalagita na mag-isang nagtataguyod sa pang-araw araw nilang mag-ama.

Read also

Ginang na nag-donate ng sariling tanim sa community pantry, umantig sa puso ng netizens

Nagkunwari pa si Virgelyn na ipinaba-barangay siya umano ni Clara na noo'y kararating lamang nila sa kanilang tahanan.

17-anyos na raketera at nagpapagawa ng sariling bahay, nabiyayaan pa ng bagong motorsiklo
Sina Virgelyncares, Clara at kanyang ama (Photo: Screengrab from Virgeyncares 2.0 YouTube channel)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naiyak talaga ang dalagita na walang kaalam-alam sa pangyayari lalo na at kinasabwat na ni Virgelyn ang ama ni Clara gayundin ang tanod na kunwaring reresponde sa kanila.

Hindi na pinatagal pa ng vlogger at ipinakita na niya ang isa na namang surpresa sa dalagita.

Maraming mga overseas Filipino workers ang humanga sa kasipagan at diskarte sa buhay ni Clara kaya naman nagpaabot sila ng tulong kay Virgelyncares.

Ito rin ang pasasalamat ni Virgelyn kay Clara dahil mula nang maibahagi niya ang nakakabilib na kwento nito, lalo raw dumami ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, nagbigay ng payo sa mga asawang may pinagdadaanan

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel