Jennica Garcia, nagbigay ng payo sa mga asawang may pinagdadaanan

Jennica Garcia, nagbigay ng payo sa mga asawang may pinagdadaanan

- Muling nagbahagi ng payo si Jennica Garcia sa mga taong may pinagdadaanan sa kanilang buhay mag-asawa

- Ito ay sa gitna ng isyu na hiwalay na umano sila ng asawa niyang si Alwyn Uytingco

- Nilinaw niyang hindi masama ang mahalin ang sarili basta hindi ito sobra-sobra na naging dahilan na ng pagkasira ng pamilya

- Marami naman ang bumilib sa husay ni Jennica na magbigay ng payo at magbahagi ng kanyang saloobin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan ang makahulugang post ni Jennica Garcia sa Instagram na napapanahon dahil sa maraming napapabalitang hiwalayan lalo na sa mga social media celebrities.

Jennica Garcia, nagbigay ng payo sa mga asawang may pinagdadaanan
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging sila ng kanyang aswa ay napapabalitang hiwalay na ngunit nanatiling tikom ang bibig ng aktres tungkol dito dahil hindi pa umano niya kayang ibahagi ang tungkol dito.

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Jennica na maraming pinagdadaanan ngayon ang mag-asawa kaya madali na lang para sa demonyo na buyuhin ang sinumang may pinadadaanan.

Aniya, hindi selfish ang pagmamahal sa sarili basta hindi ito ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya.

It only becomes selfish when you love yourself too much to the extent that your family becomes broken because of it.

Payo niya sa mga asawang ginawa na ang lahat ngunit pinili pa ring hiwalayan ng kanilang kabiyak, huwag nang magmakaawa at sa halip ay kumapit na lang sa Panginoon.

This is a bitter pill to swallow but truth is, there is nothing you can do to change your spouse heart. That is something only Jesus can do and you are not God. It is going to be very hard but know that you are never alone in Christ. The desire for companionship will be so strong during moments of loneliness but take courage in the fact that the Lord knows your story from start to finish.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang Instagram page.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel