Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

- Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang patutsada ng isang netizen hinggil sa kanyang pagiging generous

- Binanggit ng nasabing netizen ang tungkol sampung baranggay ng Hacienda Luisita

- Buwelta ni Kris, hindi niya na sinabi kung sino-sino ang mga taong kanyang nabigyan ng tulong pero marami naman umano sila

- Dagdag pa niya, dahil pera niya naman iyon ay karapatan niyang mamili kung sino ang kanyang tutulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Palaban si Kris pagdating sa mga netizens na nagpapatutsada sa kanya at maging sa kanyang mga anak. Hindi nito inatrasan ang komento ng mga netizens mapa-positibo man o negatibong komento.

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Bimby kamakailan, minabuti ng Star of All Media na magbigay ng tulong sa kanyang mga tagasuporta.

Namigay siya ng tig 10,000 pesos sa 28 na maswerteng mapipili mula sa mga followers ni Kris sa social media.

Read also

Binatilyong nagdiwang ng kaarawan, viral dahil sa mensahe niya sa ina

Maging anak nitong si Bimby ay ipinagmamalaking generous ang kanyang ina at iyon umano ang itinuro sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang netizen naman ang sumang-ayon na generous si Kris ngunit sana umano ay maging generous din ito sa mga barangay sa Hacienda Luisita.

Sagot naman ni Kris, hindi man niya naibahagi ang tungkol sa lahat ng kanyang natulungan, marami umano sila at karapatan naman niyang piliin kung sino ang gusto niyang bigyan ng tulong dahil pera niya naman iyon.

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong
Screenshot from Kris Aquino (facebook.com/watch/krisaquino/)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.

Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel