Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay ni Paolo sa kanya

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay ni Paolo sa kanya

- Aminado si Kaye Abad na gusto niya noon si Paolo Contis noong mga bata pa sila

- Gayunpaman, ang gusto ni Paolo ay si Carol Banawa at mayroon ding isang nakakagusto kay Kaye

- Hindi umano gusto ng nanay ni Paolo si Kaye para sa anak dahil mas matanda daw si Kaye

- Nagkasama sila Paolo at Kaye sa ilang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Ang TV" at "Tabing Ilog"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa online show na "Just In" ni Paolo Contis, nagbalik-tanaw siya kasama ang kanyang kaibigang si Kaye Abad na nakasama niya sa ilang mga TV shows mula noong mga bata pa lamang sila.

Nagkasama sila sa "Ang TV" at "Tabing Ilog." Pinakita ni Paolo ang ilang mga litrato nila noon at muli nilang napag-usapan ang nakaraan.

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay ni Paolo sa kanya
Kaye Abad with husband Paul Jake Castillo and their son (@kaye_abad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa kanyang "wild" na concert sa kanilang kusina

Ilang sekreto ang nabunyag sa kanilang usapan, kabilang na dito ang pag-amin ni Kaye na may gusto sya nuon kay Paolo.

“Ang gusto ko talaga ikaw. Si Carol (Banawa) ang gusto si Toffee (Kristopher Peralta). Kaso ang nagkataon, wala kaming magawa. Ang gusto ni Toffee ako, ang gusto mo si Carol. Sabi ko, ‘Nge! Ano ba yan?!”
“Kaibigan talaga kita noon tsaka type rin kita noon, pero ayaw sa akin ng nanay mo, ‘di ba? Ayaw sa akin ng nanay mo kasi mas matanda raw ako sa ‘yo.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Chito Miranda, binanatan ang nagtanong kung si Neri na ang bumubuhay sa kanya

Ikinasal si Kaye kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City. Kamakailan ay naibahagi ng aktres ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa pangalawang anak nila ni Paul Jake.

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang komento ng kanyang ex-boyfriend na si Chito Miranda sa kanyang Instagram post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel