Chito Miranda, binanatan ang nagtanong kung si Neri na ang bumubuhay sa kanya

Chito Miranda, binanatan ang nagtanong kung si Neri na ang bumubuhay sa kanya

- Sinagot ni Chito Miranda ang tanong ng isang netizen kung ang asawang si Neri na ba ang bumubuhay sa kanya

- Ito ay matapos mag-post si Neri tungkol sa bagong investment nito

- Ayon pa kay Neri, may kanya-kanya silang investments ni Chito

- Ipinagmalaki rin ng "wais na misis" na sa mister siya natutong humawak ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot ni Chito Miranda ang isang netizen na nagtanong kung ang asawang si Neri Naig Miranda na ba ang bumubuhay sa kanya.

Ito ay matapos mag-post ni Neri ng bago nitong investement sa Instagram kung saan ipinakita nito ang ipinapatayong farm house.

"We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso," ani Neri sa kanyang Ig post.

Chito Miranda, binanatan ang nagtanong kung si Neri na ang bumubuhay sa kanya
Photo: Chito and Neri Miranda with their son Miggy (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Ibinahagi rin nito ang ilan sa mga plano nilang mag-asawa para rito at sinabing kailangan pang kumayod.

Read also

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

"Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya."

Isang netizen ang 'di naiwasang magtanong tungkol dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo," tanong nito.

"Oo din...kasi kung wala si Neri matagal na akong patay," sagot naman ni Chito rito.

Pero ayon kay Neri, may kanya-kanya silang investment ng mag-asawa at si Chito pa rin ang may sagot sa monthly allowance nila sa bahay. Ipinagmalaki rin nito na sa mister siya natutong humawak ng pera.

"May kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay.

Read also

JK Labajo at Maureen Wroblewitz, kinaaliwan sa kanilang "Drivers License" cover

"Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan. May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami.

"Kay Chito ako natutong humawak ng pera," ayon sa "wais na misis".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, kabilang ang mag-asawang Chito at Neri Miranda sa bumati kay Angel Locsic sa kaarawan nito sa gitna ng kontrobersiyang hinaharap nito dahil sa community pantry na itinayo nito kamakailan.

Si Alfonso "Chito" Y. Miranda Jr. ay isang Filipino singer-songwriter sa bansa. Ito ay bokalista sa sikat na bandang Parokya ni Edgar na itinuturing nang haligi ng Musikang Pinoy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel