Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance

- Ipinasilip ng isang nurse ang halaga ng natanggap na special risk allowance na kanyang natanggap

- Ito ay sa kabila ng buwis buhay nilang pagseserbisyo sa mga COVID-19 patient na nakakasalamuha nila sa araw-araw

- Ang masaklap, ang halagang kanyang natanggap ay base sa komputasyon noong Setyembre hanggang Disyembre 2020

- Panawagan niya na sana'y mabigyang pansin ito ng Department of Health lalo na at patuloy pa ring napupuno ang mga ospital dahil sa mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ng staff nurse sa Lucena City na si Mark Raven Dominguez ang halaga na natanggap niyang "special risk allowance."

Nalaman ng KAMI na nagkakahalaga lamang ito ng Php681.82 na base sa komputasyon noong Setyembre hanggang Disyembre ng 2020.

Nurse, ipinasilip ang halaga ng natanggap na Special Risk Allowance
Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook
"Finally! Dumating na Special Risk Allowance from DOH. Forever grateful po ako."

Read also

Kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, tuluyan nang ibinasura

Ayon kay Mark, tama naman ang komputasyon subalit ito ang nais niya rin sanang ipanawagan sa Deparment of Health.

"Guys, may computation kasi yan. Siguro dapat marevised lang yong guidelines pero nasunod naman based sa computation"

Sa panayam sa kanya ng GMA News, nabanggit ni Mark na ang nasabing allowance ay naka-base sa kung gaano katagal ang isang medical frontliner na nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient sa ospital.

"Kasi like dialysis, OR, X-ray, heart room and labs, oras lang kung mag-handle but still it is an exposure directly. So kailangan pa ba buohin 'yung 8 hours exposure na equivalent sa one day? Once you are in the hospital na nagke-cater ng COVID.. walang depa-department. Lahat susceptible to acquire the virus," paliwanag pa ni Mark.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

JK Labajo at Maureen Wroblewitz, kinaaliwan sa kanilang "Drivers License" cover

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Kahapon na lamang Abril 26, lumampas na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, puno pa rin ang mga ospital lalo na sa Greater Manila Area na kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: