Kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, tuluyan nang ibinasura
- Tuluyan nang ibinasura ng Makati City Prosecutor's Office ang kaso laban sa 11 na mga akusado sa Christine Dacera case
- Kawalan ng "probable cause" ang nakitang dahilan ng pagbabasura ng kasong rapé at homicidé
- Base sa inilbas na medico legal ng PNP, raptured aortic anéurysm ang ikinamatay ng flight attendant
- Nito lamang nakaraang buwan, nagsampa ng counter charges ang mga akusado laban sa panig ni Dacera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinasura na ng Makati Prosecutor's office ang reklamong isinampa sa 11 mga akusado sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Nalaman ng KAMI na na naglabas na umano ng resolusyon si Makati City Prosecutor Joan Bolina Santillan kaugnay sa rapé at homicidé case na isinampa sa 11 mga respondents na pawang mga nakasama ni Dacera nang araw bago siya natagpuang wala nang buhay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kakulangan sa "parobable cause" ang naging dahilan ng pagbabasura sa kaso lalo na at walang sapat na ebidensya na makapagsasabing nagawa nga ng mga akusado ang akusasyon sa kanila.
Matatandaan ding sa unang inilabas na medico-legal ng Philippine National Police, raptured aortic anéurysm ang umano'y ikinamatay ng flight attendant.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.
Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.
Nito lamang Marso, ilang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang flight attendant ay naghain na rin ng counter charges ang 11 na mga akusado sa kaso.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh