Rabiya Mateo, ipinakita ang kanyang natural na ganda sa publiko

Rabiya Mateo, ipinakita ang kanyang natural na ganda sa publiko

- Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ang kanyang bare face

- Hindi kagaya sa kadalasang mga litrato niya na glamorosa, nakasuot lamang siya ng puting damit at walang make up

- Nagbahagi din siya ng mensahe tungkol sa panghuhusga ng tao sa pamamagitan ng panlabas na anyo

- Marami naman ang napa-wow sa kanyang kagandahan na ayon sa mga netizens ay "phenominal"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong mga nakaraang araw, kadalasan ay nakikita sa social media ang mukha ni Rabiya Mateo sa kanyang glamorosang pananamit at ayos dahil sa mga photoshot na kanilang ginawa.

Rabiya Mateo, ipinakita ang kanyang natural na ganda sa publiko
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyang nasa Amerika ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe 2020 pageant. Naging abala ito nitong mga nakaraang araw sa kanyang mga activities na may kaugnayan sa pageant at maging sa mga photoshoots.

Read also

Kris Aquino, sinupalpal ang netizen na nagpatutsada sa kanyang pagtulong

Kaya naman, marami ang humanga nang ipakita ni Rabiya ang kanyang natural na ganda sa isang post sa Instagram kung saan wala siyang suot na bonggang outfit, wala din siyang makeup at hindi nakaayos ang kanyang buhok.

Nagbahagi din siya ng mensahe tungkol sa panghuhusga ng tao sa pamamagitan ng panlabas na anyo.

I live in a cruel industry. I’m always compared to different girls. People have always something to say like, “You’re not beautiful enough. You’re so thin. I don’t like what you wear.”
But then life is never superficial. It’s not always what’s attractive to our eyes but it’s the love we choose to build, the connection we make to people and how we want to celebrate ourselves!.
This is the real me. No make up. No heavy hair extensions. Nothing fancy to wear. Just me.
Even in my simplest form, I know in my heart I am nothing less than phenomenal.

Read also

Angel Locsin, ibinuking ang pagiging "groomzilla" umano ni Neil Arce

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Phlippines na ginanap noong October 24, 2020.

Matapos niyang masungkit ang korona, naging kotrobersiyal ang naging reaksiyon ni Miss Taguig Sandra Lemonon at Miss Quezon City na si Michelle Gumabao.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatakdang maganap ang Miss Universe 2020 sa darating na May 16, 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States. Ang ika-69 na edition ng Miss Universe ay naantala dahil sa pandemya. Nakatakdang ipasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

Kamakailan ay nagpakitang-gilas si Rabiya it ibinida ang kanyang "Hala-bira walk." Ang "Hala Bira Walk" ay mula kilalang festival na Dinagyang na dinadaos sa Iloilo City kung saan nagmula si Rabiya.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel