Michele Gumabao, aminadong umalis sa viewing party ng MUP 2020

Michele Gumabao, aminadong umalis sa viewing party ng MUP 2020

- Matapos maging trending sa social media dahil hindi namataan sa presscon para sa Top 5 finalists, binasag na ni Michele Gumabao ang kanyang katahimikan

- Nilinaw niya na sinubukan niyang pumunta sa watch party ng nasabing beauty pageant

- Gayunpaman, umalis na umano siya dahil alam niya na ang resulta ng patimpalak dahil ginanap ito ng Sabado ng gabi

- Inamin niyang hindi niya raw niya kinaya ang pagtatanong ng mga kasama kung bakit nabigo siyang masungkit ang korona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pananahimik simula nang lumabas ang resulta ng Miss Universe Philippines 2020, naglabas ng pahayag si Miss Universe Philippines 2020 second-runner up Michele Gumabao.

Sa isang Instagram post ng Aces & Queens, ang pageant training camp kung saan siya nagsanay, ibinahagi ng beauty queen ang tunay na dahilan kung bakit wala siya sa presscon para sa Top 5 finalists.

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

Aminado siya na sinubukan niyang pumunta upang manood ng watch party ng kanilang pageant ngunit maaga siyang umalis sa kadahilanang alam naman na umano niya ang resulta at hindi umano niya kinaya ang pagtatanong ng mga kasama kung bakit nabigo siyang masungkit ang korona.

Pinasalamatan din ni Michele ang lahat ng taong patuloy na sumuporta sa kanya.

"I love each and everyone of you! Thank you for all your support! Til the very end Laban!
"I left this morning sa bcc while the pageant was on going. I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks I couldn't handle that."
Sa kabila ng pagkabigong makuha ang korona, wala umanong pagsisi si Michelle dahil alam niyang ginawa niya ang kanyang best.
"I can handle defeat hahahaha I can't handle people asking me why why why...I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone. I did my very best and I have no regrets."
Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong Linggo nang umaga, inere ang resulta ng ginanap na Miss Universe Philippines 2020. Ipinasa ng Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados ang korona kay Rabiya Matteo ng Iloilo City.

Tinanghal naman bilang First runner up si Maria Isabela Ysmael ng Parañaque, Second runner up si Michele Gumabao ng Quezon City, Third and fourth runner up naman si Pauline Amelinckx ng Bohol and Cavite’s pride Billie Hackenson.

Sa kasalukuyan, si Zozibini Tunzi ng South Africa ang reigning Miss Universe.

Michelle Gumabao, aminadong umalis sa viewing party ng MUP 2020

Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi (Photo by Jaco Marais/Die Burger/Gallo Images via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michele Gumabao ay kumatawan sa Quezon City. Naging matunog ang kanyang pangalan dahil isa siyang kilalang volleyball player at dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media

Matatandaang palaban na sinagot ni Michele ang mga bashers na nagkomento tungkol sa kanyang figure.

Bukod kay Michele, maging si Vicki Rushton na dating PBB housemate ay sumali din sa Binibining Pilipinas noong 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel