Angel Locsin, ibinuking ang pagiging "groomzilla" umano ni Neil Arce

Angel Locsin, ibinuking ang pagiging "groomzilla" umano ni Neil Arce

- Ibinahagi ni Angel Locsin na wala umano siyang dream wedding dahil lumaki siya sa komunidad na simple lamang ang kasalan

- Aniya, si Neil ang mas abala sa mga preparation at siya ang mas chill sa kanilang dalawa pagdating sa preparation ng kasal nila

- Dapat ay noong 2020 pa ang kasal nina Neil at Angel pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy

- Hindi na muna ibinahagi ni Angel ang petsa ng kanilang kasal na hanggang sa kasalukuyan ay inaabangan ng mga tagahanga niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Angel Locsin, dahil sa kanyang kinalakihang komunidad, wala siyang dream wedding kagaya ng karamihan sa mga ikakasal na mga celebrities.

Ang kanita niyang mga kasalan noong bata pa siya ay simple umano at mabilisan lamang.

Angel Locsin, ibinuking ang pagiging "groomzilla" umano ni Neil Arce
Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr

“WALA akong dream wedding. Lumaki kasi ako sa community na ang gown nirerentahan lang, hindi ka nagpapatahi walang designer, walang stylist. Para sa akin isa lang mabilisang event. Iyon ang nakikita ko nu’ng bata ako.

Ibinahagi niya ring mas abala sa preparation si Neil Arce at siya ang mas chill. Hindi din muna ibinahagi ng aktres ang tungkol sa petsa ng kanilang kasal na iniurong na lamang dahil sa pandemya.

Dapat ay taong 2020 pa nakatakdang ikasal ang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Kaye Abad, inaming type noon si Paolo Contis ngunit ayaw ng nanay nito sa kanya

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel Locsin sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel