Mga nagpositibo COVID-19 sa Pilipinas, mahigit isang milyon na
- Umabot na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas
- Ito ay matapos na dumagdag ang naitala ngayong araw, Abril 26 na 8,29 na mga bagong kaso
- Mahigit isang buwan nang hindi bumababa sa bilang na 8,000 ang mga karagdagang kaso ng COVID-19 kada araw
- Mula noong Abril 12 hanggang katapusan ng buwan, nakataas ang modified enhanced community quarantine ang NCR Plus na dalawang linggo ring sumailalim sa ECQ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ngayong Abril 26, pumalo na sa bilang na 1, 006,428 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na dumagdag ang 8,929 na mga bagong naitalang COVID-19 cases sa bansa.
Labis na nakaaalarma pa rin ito lalo na at mahigit isang buwan nang hindi bumababa sa 7,000 ang mga naitatalang bagong kaso kada araw.
Ayon sa Department of Health, 95.4% sa mga bagong kaso ngayong araw ay mild cases at 1.4% naman ang asymptomatic cases. 1.3% ang severe, 1.0% naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.87% ang nasa moderate condition.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa kasalukuyan, mayroong 74,623 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, sa kabila ng 11,333 na mga naka-recover ngayong araw, mayroon pa ring 70 na naitalang pumanaw.
Mula pa noong ikalawang linggo ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw. Lalo itong lumala pagpasok ng Abril hanggang sa kasalukuyan.
At dahil sa patuloy na pagtaas ng dumadagdag na kaso araw-araw, inilagay sa enhanced community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal mula noong Marso 28.
Isang linggo lamang sana ang itatagal ng ECQ sa mga nasabing lugar kung saan nakapagtatala ng mataas na bilang ng COVID-19 ngunit na-extend pa ito hanggang Abril 11.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mula Abril 12 naman hanggang katapusan ng nasabing buwan, nakataas ang modified enhanced community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Sa pagpapatupad ng MECQ, tila naging malinaw naman na sa bawat isa ang pagpapatupad ng curfew mula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang naging kontrobersyal ang ilang mga kaganapan sa pagde-deliver ng pagkain sa oras ng curfew na sinasabing nagbigay ng kalituhan sa marami.
Isa na rito ang "essential ang lugaw" na gumawa ng ingay sa social media. Ito matapos na kumalat ang naturang video ng tanod na binawalang mag-deliver ang delivery rider dahil sa hindi raw maituturing na essential ang lugaw kahit na ito ay isang pagkain. Nagsampa na ng reklamo ang rider na ito gayundin ang may-ari ng lugawan laban sa mga barangay officials ng Barangay Muzon sa Bulacan.
Bukod dito, isang lalaking lumabag umano sa curfew hours ang nasawi dahil sa pagsasagawa umano ng nasa 300 push-ups bilang parusa sa paglabas ng bahay gayung lampas na ng alas sais noong ECQ.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh