JaMill, nadagdagan pa ng 100,000 subscribers sa YouTube sa kabila ng kontrobersiya

JaMill, nadagdagan pa ng 100,000 subscribers sa YouTube sa kabila ng kontrobersiya

- Nadagdagan pa ng 100,000 na mga subscribers ang YouTube channel ng vlogger couple na 'JaMill'

- Mula sa 12.2 million noong nakaraang linggo, naging 12.3 million na ang kanilang mga "Mandirigma"

- Ito ay sa kabila ng patong-patong na kontrobersiya na hinarap ng dalawa nito lamang nakaraang linggo

- Sa pinakabagong vlog ng dalawa, ipinakita nilang tila nagpapakatatag ang isa't isa sa mga pagsubok sa tulong na rin ng kani-kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong lumaki at nadagdagan pa ang bilang ng YouTube subscribers nina Camille Trinidad at Jayzam Manabat sa kanilang channel na "JaMill".

Nalaman ng KAMI na mula 12.2 million subscribers nitong nakaraang linggo nadagdagan na ang kanilang mga "Mandirigma" ng 100,000 na bagong subscribers.

Ito ay sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng dalawa kaugnay sa mga umano'y pambababae ni Jayzam, hindi lamang isa kundi makailang beses.

Read also

Raffy Tulfo, "na-ghosting" ng isang vlogger na nais makipag-collab sa kanya

JaMill, nadagdagan pa ng 100,000 subscribers sa YouTube sa kabila ng kontrobersiya
Photo: Ja Mill (Photo from Camillie Trinidad)
Source: Instagram

Isa rin sa mga ito ay ang graphic designer na hindi na nagawang balikan pa ni Jayzam gayung nakapagpagawa na siya ng designs para sa ilang mga merch ng 'JaMill.'

At kamakailan, dumulog pa sa programa ni Raffy Tulfo ang hair and make-up production na umano'y hindi sinipot ng dalawa sa kanila sanang production shoot noong Enero.

Ayon sa grupo, nasa anim na oras umano silang pinaghintay ng vlogger couple sa labas ng subdivision nito.

Nakapag-public apology naman na sina Jayzam sa programa rin mismo ni Tulfo.

JaMill, nadagdagan pa ng 100,000 subscribers sa YouTube sa kabila ng kontrobersiya
JaMill (Screengrab from Ja Mill YouTube channel)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa pinakahuling vlog na inilabas ng dalawa sa kanilang YouTube channel na may pamagat na "Bagong Simula" ipinakita nila kung ano na nga ba talaga ang kalagayan nila sa gitna ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Taliwas sa iniisip ng iba, makikitang magkasama pa rin sina Jayzam at Camille gayundin ang kani-kanilang pamilya.

Read also

Community Pantry na nagsimula sa Maginhawa QC, ginagawa na rin sa bansang Timor-Leste

Makikitang tila unti-unti nang nakakabangon ang dalawa sa mga pagsubok na dumating sa kanila sa tulong na rin ng kanilang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang influencer couple na 'Ja Mill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na mayroon nang 12.3 million subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sinubaybayan ng mga netizens lalo na ng kanilang mga subscribers ang mga kaganapan sa patong-patong na kontrobersiyang kinaharap nila kamakailan.

Todo suporta pa rin ang ipinakikita ng kanilang mga supporters lalo na sa kanilang "Mareng Camille" na kinakitaan ng katatagan sa lahat ng mga nangyayari.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel